^

PSN Showbiz

Itinangging naglayas dahil sa bagets na manliligaw, Ruffa gusto nang magsarili ng bahay

-

MANILA, Philippines – Nabalita kahapon na naglayas si Ruffa Gutierrez sa bahay nila sa Dasmariñas Village in Makati. Narinig ko sa Star­talk ang nasabing paglalayas ni Ruffa sa bahay nila.

Ayon sa binasang statement ni Tito Ricky Lo, meron daw matinding away ayon sa message ni Tita Annabelle Rama kaya naglayas ang aktres bitbit ang dalawang anak na sina Lorin and Venice.

Ang sinasabing dahilan ay ang isang batang lalaki na madalas magpadala ng pagkain at walang respeto na nanliligaw kay Ruffa kahit may dalawang anak na ito ayon sa Startalk. (Walang ibang lalaking bagets na nali-link kay Ruffa ngayon kundi si John Lloyd Cruz na matindi ang denial nang magpa-interview last week. Kahit si Ruffa ay nag-deny tungkol sa issue.)

Kaya pala kasama ng aktres ang dalawang anak kahapon sa East Avenue Medical Center para sa launching ng Avon Speak Out Against Domestic Violence kung saan si Ruffa ang local campaign spokesperson kasabay ng celebration ng kanyang nth birthday sa Women Crisis Center sa East Avenue Medical Center.

Pero nang sabihin sa kanya ang balita after ng simpleng programa sa nasabing hospital, agad nag-deny si Ruffa. Hindi raw siya naglayas, gusto lang niyang bumukod at hanggang ngayon,  doon pa rin sila umuuwing mag-iina.

Pinagdududahan ng iba na bukod kay John Lloyd, nagkasira rin daw ang mag-ina dahil darating ng bansa ang ex-husband ni Ruffa na si Yilmaz Bektas.

Anyway, isang simpleng programa kahapon ang naganap sa lobby ng East Avenue Medical Center kasama ang mga survivors ng pang-aabuso sa kababaihan.

Sa speech ni Ruffa, sinabi niyang hindi siya nanini­walang biktima siya: “Hindi tayo victims, survivors tayo,” sabi niya.

Nakikiisa siya sa nasabing programa para bigyan ng pag-asa at lakas ng loob ang mga kababaihang survivor ng domestic violence, lumabas at magsalita ang ibang nakaranas nito na nagtatago pa hanggang ngayon.

“This is one of the best, most meaningful birthdays I’ve ever had.

“I am honored to be part of a sisterhood composed of some of the bravest women I know. In my capacity as local spokesperson for the Avon Speak Out Against Domestic Violence Campaign, I promise to do my part encouraging more women to speak up for themselves and for others,” dagdag na sabi ni Ruffa na hindi natakot isama ang dalawang anak sa nasa­bing hospital kahit may babala ang ilang sector na kung maiiwasang magpunta ng hospital ay iwasan muna dahil sa dumaraming kaso ng H1NI.

 Bukod sa nasabing event para sa kanyang birthday, meron pa siyang bonggang Hollywood-style birthday celebration sa Amerika.

Yup, iniimbitahan niya lahat ng mga kaibigan at fans niya sa Amerika na maki-join sa nasabing event na pinamagatang The Beautiful Life! Celebration – A Toast to Ruffa Gutierrez sa June 28, 2009, Sunday na gaganapin sa CBS Studios Backlot (4024 Radford Ave Studio City CA 91604).

Big part ng Beautiful Life! ang fashion as noted L.A. designers Alan del Rosario and Mul Tayoba present their exquisite collections.

Ipakikita rin ng swimwear designer na si Nicolette Lacson ang kanyang LolliMe collection.

Ang iba pang highlights ng event include red carpet arrivals, a designer raffle, charity fund-raising and performances ng mga world-class entertainers. Inaasahan din ang surprise celebrity guests.

Portions ng ticket sales ay mapupunta sa Roof-A-Child Foundation – ang sariling organization ni Ruffa na tumutulong sa pangangailangan ng kabataang walang perang pang-aral.

Almost sold out na raw ang VIP seats na $150 pero available pa raw ang ticket ng $100-tickets ayon sa executive producer nitong si Monet Lu.

Nag-release din daw ng $50 show only tickets. For ticket reservations, please call any of the following numbers: 323-664-5085| 1-888-MAGANDA|213-365-9100| 818-891-8949| 818-994-5553.

You may also purchase tickets at the following locations: Monet Salon Beverly (4457 Beverly Blvd Los Angeles CA), Seafood City LA (134-140 S Vermont Ave LA), Reflections Salon (8340 Van Nuys Blvd Panorama City CA), Seafood City Panorama (8231 Woodman Ave Panorama City), and O Skin Care (17808 S Pioneer St Ste 112 Artesia CA).

Mukhang exciting ang nasabing event ni Ruffa.

Masasabing taon nga ni Ruffa ang 2009!

Bukod sa kaliwa’t kanan ang mga assignment niya sa ABS-CBN - The Buzz, Ruffa and Ai, may isa ring series ang Dos na inihahanda for her.

May ilang product endorsements ding naka-line-up ang aktres.

Gagawa rin daw siya ng pelikula sa Regal Entertainment - isa ang Shake, Rattle & Roll na para sa Metro Manila Film Festival.  (SALVE V. ASIS)

                                                                               

A TOAST

AMERIKA

AVON SPEAK OUT AGAINST DOMESTIC VIOLENCE

AVON SPEAK OUT AGAINST DOMESTIC VIOLENCE CAMPAIGN

BEAUTIFUL LIFE

BEVERLY BLVD LOS ANGELES

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with