Asap nag-iinit kahit maulan

MANILA, Philippines – Nanalo ang GMA News and Public Affairs ng tatlong awards sa 2009 US International Film and Video Festival (USIFVF).

Ang dokumentaryong Lunok-Droga (Filipino Drug Mule) ng Reporter’s Notebook ay nagwagi ng Silver Screen Award para sa Social Issues Production-Documentary Category. Para mabuo ang dokumentaryo, nagtungo sa Kuala Lumpur ang host na si Jiggy Manicad upang masaksihan ang sting operation na ginagawa ng Philippine at Malaysian police para maaresto ang miyembro ng isang Nigerian drug syndicate. Nagkaroon ng oportunidad sina Manicad upang makapanayam ang tinuturong Filipino courier na sinasabing nagpatumba sa sindikato. Ang co-host na si Maki Pulido naman, tinalakay ang lumalalang problema na drug abuse sa Pilipinas.

Isa pang dokumentaryo ng Reporter’s Notebook, Pinays for Export (Filipinas for Export): The Southeast Asian Sex Trafficking Trail, ang tumanggap ng Certificate for Creative Excellence para sa parehong kategorya. Binigyang pokus ng dokumentaryo ang pangatlo sa pinaka-organisadong krimen sa mundo – ang human trafficking, na kadalasang humahantong sa sexual slavery. Sa kauna-unahang pagkakataon sa TV, sinundan ang pangangalakal ng mga Pinay mula Pilipinas hanggang Malaysia, Hong Kong at Macau. 

Nagkamit din ang I-Witness dokumentaryo ni Jay Taruc na Batang Langoy (Child Swimmers) ng Certificate for Creative Excellence para pa rin sa Social Issues category. Ipinakita sa dokumentaryo ang kalbaryo ng mga bata sa Magalumbi island, na kinakailangang lumangoy ng layong dalawang kilometro para makapasok sa paaralan. 

 Itinatag noong 1967 ang USIFVF atisa sa mga kilalang international event na kumikilala sa mga mahuhusay na Business, Television, Documentary, Educational, Entertainment, Industrial at Informational productions.

* * *

Tag-ulan na nga! Ngunit hindi pa rin paaawat ang ASAP ‘09 sa pagbibigay ng mga bonggang sorpresa at mga pinaghandaang production numbers na magpapa-init sa lahat.

Ngayong Linggo, apat sa mga Kapamilya stars na sina Zsa Zsa Padilla, Victor Basa, Bangs Garcia at Rockoustic Heartthrob Sam Milby ang magse-celebrate ng kanilang birthday.

Gugulatin na naman tayo ng hindi mapantayang Kanto Boyz at It Girls sa kanilang back-to-back Korean inspired performance .

Matapos ang kinakiligang kasalan ng taon, unang beses na haharap bilang couple sa ASAP stage ang minamahal at patuloy na hinahangaang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para i-promote ang pinag-uusapang sitcom na George and Cecil.

 Magiging kumpleto ang inyong Linggo kasama ang mga Kapamilya Stars sa ASAP ’09 pagkatapos ng Matanglawin sa ABS-CBN.

* * *

Pasukan na sa lahat ng antas sa mga paaralang Pinoy kaya ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga’y ang pagbabalik-eskwela ang tatalakayin sa Life and Style with Ricky Reyes sa Q11.

Makakatsikahan ng host-producer na si Ricky Reyes ang kanyang mga popular guests na sina Jenine Desiderio, Vanessa Rangandol, Rosebud at CJ Muere tungkol sa mga problemang kadalasang nararanasan ng mga estudyante sa loob at labas ng school campus. 

 Magbibigay ng payo si Chef Rosebud ng progra­mang Quickfire tungkol sa mga masustansiyang pagkaing dapat ipabaon ng mga magulang para sa kanilang mga anak para sa recess at tanghalian.

Usapang tungkol sa mga kasuotang sunod sa fashion pero comfortable at kayang-kaya ng budget ng mga mag-aaral na babae’t lalake naman ang hatid nina Starstruck CJ, Ms. Saigon star Jenine at Pop Star Kid Vanessa. 

Maglalahad din si Mother Ricky at kanyang mga panauhin tungkol sa kani-kanilang karanasan bilang estudyante.

Ikinararangal naman ni Tesda Chairman Buboy Syjuco ang anak ng isang MNLF member at Muslim peace educator na si Jordan Ansao. 

Matapos maging scholar ng nabanggit na programang pangkabuhayan ni Pres. Gloria M. Arroyo, sinisikap ni Jordan na maging ehemplo ng kanyang mga kalahi.

Ang actor na si Tyron Perez ang gaganap na Jordan sa pagsasadula ng kasaysayan nito sa TESDA BIDA.

Show comments