MANILA, Philippines – Tiyak na pag-uusapan ang pagsasama ng matutunog na pangalan ngayon sa industriya ng telebisyon at musika dahil minsan lang mangyayari na sina Jericho Rosales, Nyoy Volante at Bugoy Drilon magsasama sa iisang show.
Ang tatlong talento ay may kakaibang singing showdown na pinamagatang In Full 4rce na gaganapin sa Metrobar bukas, June 6. Kasabay ng show ang paglulunsad ng mga bagong produkto ng Good Faith Marketing na siya ring producer ng naturang bar show.
Ilan sa mga produktong ilulunsad ng Good Faith Marketing, na may 75,000 miyembro sa buong bansa, ay ang mga lamp with therapeutic properties at iba’t ibang health drinks.