^

PSN Showbiz

Nanay ng 'biktima' ni Aljur, namimigay ng picture sa entertainment press

- SEEN SCENE -

Seen : Ang pahayag ni Rosanna Roces na nagpapasalamat ito dahil hindi siya nasangkot sa mga sex video. Hindi totoo dahil naka-post sa isang adult site sa Internet ang video na kuha mula sa webcam habang ipinapakita ni Rosanna ang maseselang bahagi ng kanyang hubad na katawan.

Scene : Ang mga rebelasyon nina Luis Alandy at Dion Ignacio sa presscon ng Ngayon at Kailanman na nagkaroon sila ng mga indecent proposal. Ho-hum....

Seen : Si Aljur Abrenica sa international airport. Nagpunta si Aljur sa US upang dumalo sa Philippine Independence Day parade at celebration sa New York.

Scene : Masyado nang pinahahaba ang kuwento ng Tayong Dalawa. Kung saan-saan na napupunta ang mga eksena. May sawa factor na.

Seen : Ang nanay ng 15-year old girl na nagreklamo sa NBI na binastos siya ni Aljur Abrenica.

Ang nanay ang namimigay sa entertainment press ng mga litrato ng kanyang anak na gustung-gusto na maging artista.

Scene : Nakipag-meeting si Cristine Reyes sa GMA Network executive para sa kanyang plano na pagbabalik. Nagsimula ang showbiz career ni Cristine sa GMA 7.

Seen : Si Gian Magdangal sa presscon ng Adik Sa’Yo. Si Gian ang host ng programa. Mali ang kanyang sinabi na unang primetime show ni Joel Lamangan ang Adik Sa’Yo.

Ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita ang unang primetime show ng direktor sa GMA 7.

Scene : Dalawa na ang libel case ni Mrs. Irene Kho. Isa sa Quezon City at isa sa Cavite. Si Katrina Halili ang nag-file sa QC at ang kanyang road manager ang nagsampa sa Cavite. Ang mga libel case ang bunga ng padalus-dalos na pagsasalita ng nanay ni Hayden Kho, Jr.

ADIK SA

ALJUR ABRENICA

ANG BABANGON AKO

CAVITE

CRISTINE REYES

DION IGNACIO

DUDURUGIN KITA

HAYDEN KHO

JOEL LAMANGAN

LUIS ALANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with