Pacman umatras na sa pulitika

Feeling lucky si DENR Secretary Lito Atienza dahil masuwerte si Kim Atienza sa TV career nito at mapalad din ang kanyang anak-anakan na si Manny Pacquiao.

Naging successful politician si Kim nang maglingkod ito bilang konsehal ng Maynila sa loob ng siyam na taon. Hindi na uli kumandidato si Kim nang matapos ang kanyang term dahil inagaw na siya ng mundo ng telebisyon.

Enjoy na enjoy si Kim sa ginagawa niya ngayon kaya ayaw na niyang balikan ang magulong mundo ng pulitika. Suportado ni Papa Lito ang desisyon ni Kim na mag-concentrate ito sa TV career.

* * *

Balitang-balita noon na kakandidatong congress­man si Manny Pacquiao pero mukhang nagbago ang kanyang desisyon nang mag-heart-to-heart talk sila ni Papa Lito.

Ipinamulat ni Papa Lito kay Manny na mas marami itong napapaligaya kung ipagpapatuloy niya ang paglalaro ng boksing. Lalo siyang magbibigay ng karangalan sa ating bayang magiliw.

Naging prangka si Papa Lito kay Manny. Sinabi niya kay Manny na kung sakaling maging congress­man ito, iilang tao lang ang kanyang mapapasaya. Hindi siya makakapagbigay ng karangalan sa buong bansa sa kanyang pagiging congressman.

Kaya kung tatanungin daw ngayon si Manny ng mga reporter tungkol sa kanyang political plans, alam na alam ni Papa Lito ang isasagot ng Pambansang Kamao, huwag munang pag-usapan ang pulitika.

* * *

Ayaw magsalita ni Papa Lito tungkol sa mga balak niya sa 2010. Sinusunod daw niya ang batas na may tamang oras para pag-usapan ang pulitika.

Malalaman natin ang desisyon ni Papa Lito sa katapusan ng November 2009 dahil ito ang itinakdang araw ng batas para magsalita ang mga nagbabalak na kumandidato sa susunod na taon.

* * *

Si Papa Lito rin ang nag-confirm na may gagawing pelikula si Manny sa Solar Films. Ayaw panghima­sukan ni Papa Lito ang showbiz career ni Manny dahil masaya ito sa pag-arte.

Ang Solar Films ang produ ng movie project ni Manny. Confident si Papa Lito na hindi magkakaroon ng problema si Manny sa pelikula nito dahil matagal na silang magkakilala at partner ni Solar Films produ na si Wilson Tieng.

* * *

Pamangkin ni Papa Wilson si Buhay Party List Representative Irwin Tieng. Palagi nating nababasa at naririnig ang name ni Papa Irwin dahil kabilang siya sa tatlong author ng Anti-Voyeurism act na mas kilala bilang Cyberboso Bill.

Masaya si Papa Irwin dahil may linaw na ang House Bill na inilalaban nila. Nakatulong ang mga sex video na ginawa ni Hayden Kho, Jr. kaya na-realize ng lahat na dapat nang maaprubahan ang Cyberboso Bill na magpaparusa sa mga katulad ni Hayden na ginagamit ang Internet at cellphone sa kanilang kalaswaan at pang-aabuso, hindi lamang sa mga kababaihan kundi sa lahat. Kung noon pa ipinasa ang Cyberboso Bill, siguradong may katapat nang parusa ang pagsasamantala na ginawa ni Hayden sa mga girl na lihim niyang kinunan ng video habang nagtsutsugihan sila.

Show comments