Lovi and Chris may concert sa Lucena

MANILA, Philippines - Sa darating na Sabado, ika-6:00 ng Hunyo, ang mga sikat na singers na sina Lovi at Chris Cayzer ay magkakaroon ng one night concert sa Lucena City na pinamagatang A Night 2 Remember in Lucena. Ito ang pangatlong show sa series of bar tour na pinagsamahan nina Lovi at Chris. Sold out ang mga previous shows nila. Nagtagumpay ang bagong awitin ni Lovi na pinamagatang Dito Sa Puso, mula sa CD niyang Bloom under Sony Music Philippines. Si Lovi ay gumaganap na ngayon bilang isa sa mga bida ng youth-oriented program na Lipgloss na mapapanood tuwing Sabado ng hapon sa TV 5. Si Chris naman ay busy sa Broband, ang accoustic pop trio na pinagsasamahan nila nina Dennis Trillo at Aljur Abrenica sa S.O.P. A Night 2 Remember in Lucena ay magaganap sa Sabado Central Park Garden Café at Diversion Road in Lucena City. Mag-uumpisa ang concert at 8 p.m. Mabibili ang tickets sa gate, Little Big room branches at La Obien Building across Sacred Heart. Tumawag lang sa Dream Concert Asia at (042) 3730617 or 09279310469.

Show comments