Aljur kinasuhan ng 15-anyos

MANILA, Philippines – Isa pang aktor ang inireklamo ng pambabastos sa isang dalagita bagaman hiniling nito sa National Bureau of Investigation na huwag ipaalam sa media ang insidente.

Idinulog ng 15 anyos na dalagitang itinago sa alyas na Alice sa NBI-Protection Against Violence on Women and Children kahapon ng umaga ang reklamo niyang act of lasciviousness laban sa talent ng GMA-7 na si Aljur Abrenica.

Kinumpirma ng impormante sa NBI ang pagde­de­manda ng dalagita laban sa aktor pero hindi nagbigay ng detalye ang ahensiya.

Hiniling umano ng biktima at ng pamilya nito na hu­wag ibigay sa mga mamamahayag ang impormasyon sa kanyang reklamo.

Itinatago rin ng NBI ang reklamo bilang pagbibigay sa kahilingan ng biktima.

Nauna nang nag-deny si Aljur tungkol sa issue.

Ayon sa kuwento ni Aljur noon, nakilala lang niya ang nasabing bagets nang magbakasyon sila sa Puerto Gallera kasama ang ilang kaibigan. Promo girl daw ang bagets ng alak kung saan inalok sila noong tanghali. Pagkagabi raw ay nakipag-tsikahan sa kanila kaya nagulat siyang nagrereklamo ito. (Ludy Bermudo)                                                      

Show comments