Kampo ni Hayden doble-doble ang mali

Every Sunday, napapanood ko ang Are You The Next Big Star? ng GMA at talaga namang ang gagaling ng mga nakuha nilang contestants. To think na top 40 pa lamang ito. Kapag nasala na sila ay talagang lalabas na ang pinakamagagaling. I sympathize with the judges, mahihirapan talaga silang pumili.

Paano ba naging mahusay na singer ang mga Pinoy? Ipinanganak ba silang singer? Sa murang edad ng mga kasali, imposible namang nakuha ang galing nila sa praktis.

Gusto ko nang maniwala na talagang lahi ng magagaling kumanta ang mga Pinoy. Walang Pinoy na hindi marunong kumanta. At hindi lamang basketball, boksing, panonood ng TV at sine ang past time natin kundi ang pagkanta rin sa karaoke. At kung walang karaoke, kahit sandok, suklay, brush ng buhok, at maski na kutsara, ginagamit nating microphone.

Going back to Are You The Next Big Star? sure ako na it will put an end to other singing contests. Maganda kasi ‘yung concept ng show na sinisimulang ipakita ang contest sa paghahanap, pagpili ng top 50, 40 hanggang sa umabot ito sa semi-finals and finals. May trace ng American Idol pero effective nonetheless. Worry ko lamang, kapag pumasok na ang text votes, baka maiwan na naman sa pansitan ang mga deserving at mamayani na naman ang kapa-kapatid, kama-kamag-anak at ‘yung may pera. Maski na sa isang bansa na tulad ng Amerika ay nangyari ito, may mga judges nga pero hindi nasunod ang gusto nila kundi ang gusto ng text voters.

Sana maiba naman ang The Next Big Star kundi mabibigo ang maraming kabataan na sumali sa programa hoping na ang pinaka-magagaling lamang ang mamamayani.

* * *

Mukhang magtutuluy-tuloy na ang suwerte ni Sharon Cuneta. After the box-office success of Best Friends Forever nila ni AiAi delas Alas, malakas din ang benta ng kanyang latest album na naglalaman ng mga awitin para sa mga bata.

It seems, hindi mapigil ang mga ina ng maraming bata na bumili ng album dahil sa napakagagandang content na nagagamit nila sa pagpapatulog ng kanilang mg anak at maging sa mga oras ng kanilang pamamahinga.

There is nothing like good and soothing music sa mga oras na wala na silang trabaho at nagninilay-nilay na lamang sa mga nagaganap sa kanilang buhay.

Nanalo rin si Sharon ng Best Actress sa katatapos na Star Awards for Movies para sa pelikula niyang Caregiver. Pag-uwi niya, may maganda nang pasalubong sa kanya.

Heard na dinudumog din ang concerts nila sa US ng anak niyang si KC. Pero sino ba naman ang tatang­gi sa pagkakataon na makapanood ang isang ma­gan­dang mother and daughter show, lalo pa’t nag­kakapangalan na ang kanyang anak at gusto itong makita ng mga Pinoy sa US, para malaman nila kung totoo ngang mana ito sa kanyang ina.

Well, hindi sila mabibigo, hindi lamang ang musicality ni Mega ang nakuha ni KC kundi maging ang napaka-gandang PR ng kanyang nanay.

* * *

Ano kaya ang dahilan ng malaking pagbabago ni Jennylyn Mercado? Kung dati ay ni halos ayaw nitong marinig ang pangalan ni Patrick Garcia nga­yon, pumapayag pa siyang makasama ito sa isang project, kahit may kissing scene pa.

Mabuti naman at natuto na siyang maging propesyonal. Wala namang mangyayari kung patuloy siyang mabubuhay sa nakaraan. She can only move on kapag binura niya sa isip niya ang pait na dulot ng nakaraan and accept that life can be sweet. Nasa sa kanya na ‘yun.

Kung tinanggap ang balikan nila ni Mark Herras, bakit hindi ang sa kanila ni Patrick? After all, pareho silang mahusay na artista. Interesado ang lahat na malaman kung kaya nilang pareho na isantabi ang kanilang personal para sa trabaho.

Mabuhay ka Jennylyn, sa iyong pagtahak sa landas ng isang true professional.

* * *

Nagkamali na ang kampo ni Hayden Kho sa pag­kuha ng sex video na isa nang malaking iskandalo nga­yon, nagkakamali pa rin sila sa pagdadawit ng mga pangalan na walang kinalaman sa kaso. Tulad ni Manay Lolit Solis. Mas mahihirapan tuloy silang mag-damage control dahil may mga inilalabas itong mga bagay na kumukuha ng interes ng publiko at nakadaragdag pa para grumabe ang kanyang kaso.

Dapat mag-stick na lamang sila sa kung ano ang kaso at huwag nang magdamay pa ng kung anu-ano at sinu-sino. Ito naman ay kung gusto lang nilang mapadali ang ginaganap na pagdinig at hindi na pagpistahan pa ng matagal ng mga tao. 

Show comments