SW ka-join ni Sarah sa Philippine tour

MANILA, Philippines - May bagong iidolohin na balladeer, si Simon Wood. Kalalabas lang ng debut album ng anak ni Victor Wood mula sa Viva Records ay kilala na agad ang carrier single niya na Luluha Ka Rin (sa tunog ng kanta ng ama niyang Malupit na Pag-ibig).

 May 11 tracks pang pwedeng i-enjoy sa album ni Simon tulad ng Love Will Keep Us Alive, Everything I Own, Pangako, Muntik Nang Maabot ang Langit, at iba pa. May sinulat din siyang original song, ang Pangarap Ko Natupad sa ’Yo.

 Ngayong June hanggang August, tambak agad ng mga shows si Simon. At dahil Viva artist siya, kasama siya sa The Next One Philippine Tour ni Sarah Geronimo. Una nilang pupuntahan ang De La Salle Sentrum sa Lipa, Batangas sa June 12; Bren Guiao Convention Center sa Pampanga sa June 20; CSI Stadia, Dagupan sa June 26; Limketkai Atrium, Cagayan de Oro City sa July 3; St. La Salle Coliseum, Bacolod sa July 17; Waterfront Hotel, Cebu sa July 31; at sa San Agustin Gym, Iloilo sa August 21.

Show comments