Mommy Dionisia hindi nagpatalbog kay Lucy Torres
MANILA, Philippines - Kung sikat si Manny Pacquiao dahil sa kanyang kaliwang kamao, ang ina naman niyang si Mommy Dionisia e magpapakitang-gilas sa kanyang pagsasayaw. Magiging guest siya sa Linggo sa top-rating dance show ng TV5 na Shall We Dance, hosted by Lucy Torres-Gomez, kung saan kauna-unahang mawi-witness sa TV ang dancing talent ng tinaguriang Pacmom.
Self-confessed ballroom dancing junkie si Mommy Dionisia na nag-celebrate ng 60th birthday niya kamakailan lang with a ballroom-themed party. Sobrang excited nga raw ang Pacmom sa performance niya sa dance show at feeling very honored na naimbitahan siyang sumayaw kasama ang mga celebrities, especially Lucy Torres-Gomez. Since marami na rin lang ispekulasyon na sasabak na sa showbiz ang ina ng boxing champ dahil may dancing talent naman talaga siya, e sakto nga lang na sa Shall We Dance siya unang mapanood ng sambayanan.
Dagdag pa rito, na-goodtime din si Mommy Dionisia at guest siya sa next episode ng Wow Mali, hosted by Joey de Leon, na palabas din sa Linggo.
Catch Mommy Dionisia sa kanyang highly anticipated performance sa Sunday, 8:00 p.m., pagkatapos siyang i-goodtime sa Wow Mali at 6:00 p.m.
* * *
Ano ang tunay na saloobin ni Sharon Cuneta sa nasira nilang pagmamahalan ni Gabby Concepcion?
Alamin ngayong Sabado (May 30) sa isang mega revelation na hindi mo dapat palampasin mula sa nag-iisang megastar sa Wonder Mom.
Isisiwalat nga ni Sharon kay Karen Davila ang kanyang naging love stories at ikukuwento ang mga nangyari mula nang ipinanganak niya si KC Concepcion hanggang sa makilala niya si Sen. Kiko Pangilinan.
Ibabahagi din ni Mega kung paano siya natulungan ni Sen. Pangilinan na bumangon muli at kung paano niya binabalanse ang pagiging ina at pagiging sikat na artista para alagaan ang kanyang pamilya.
Samantala, kikilalanin naman ni Karen ang isang inang problemado sa kanyang pagbabadyet at tutulungang pagkasyahin ang P1,000 para mabili ang kinakailangang school supplies ng anak.
Huwag palalampasin ang lahat ng iyan ngayong Sabado sa Wonder Mom, kasama si Karen Davila, 9:45 AM sa ABS-CBN.
- Latest