Zorro nawawala pa rin

MANILA, Philippines - Painit nang painit ang mga eksena sa maaksyong Zorro ng gabi-gabi sa GMA 7.

Hindi pa rin makita sina Pepe at Antonio hanggang inaresto na sina Bernardo at Juana dahil pinagtatakpan daw nila ang isang pugante.

Si Lolita naman, dahil ayaw pakasal kay Ramon, ay tuluyan nang pinalayas sa kanilang bahay. Nakita ng mga Bellas na natutulog sa kalye sina Lolita at naawa sila, iniwan nila ang dala nilang pagkain dahil mas kailangan daw nila ito.

Samantala, ibinalita ni Pedro kay Ramon na nakatakas ang mga kaibigan ni Antonio. Nagkagulo sa opisina ng gobernador nang sumugod ang pangkat nila Agustin. Dahil sa mga kaguluhan, inanunsyo ni Ramon sa taong bayan na ang bayan ng Angeles ay sumasailalim na sa batas militar. Pwede na nilang gawin ang kahit anong gusto nila kahit walang kautusan.

Nagulat na naman sila nang makatanggap si Silverio at Dr. Marciano ng isang kahon na may sulat at mascara. Hindi kaya si Zorro ang nagpapatawag ng pulong sa kanila?

Abangan hanggang sa susunod na linggo ang mga pagbabago sa istorya. 

Show comments