Kasama ang kanyang abogado, nagsampa ng formal complaint si Yasmien Kurdi laban sa isa niyang co-star sa ginagawa niyang serye sa GMA 7, ang SRO Cinemaserye Presents Suspetsa na si Baron Geisler dahil daw sa pambabastos na ginawa nito sa kanya.
Nung una ay mga hindi magagandang salita lamang na sinasabi nito ang tinututulan niya, pero ang talagang nagtulak sa kanya upang magreklamo ay ang hindi magandang pakikitungo nito sa kanya na umabot na sa pagyakap nito habang namamahinga kaya sinampahan niya ng reklamo.
Sinabi ni Yasmien na hindi siya maarteng tao at kung puwedeng palampasin ang inaakala niyang pambabastos nito sa kanya ay gagawin niya pero nang sa halip na matigil ito ay lalong grumabe pa ang ginawa sa kanya kaya gumawa na siya talaga ng paraan para matigil na ito.
* * *
Isang karangalan ng industriya ng lokal na pelikula si Brillante Mendoza. Tinalo nito ang mga magagaling na foreign directors na tulad nina Quentin Tarantino (Kill Bill) at Ang Lee (Brokeback Mountain) para manalong Best Director For A Full Length Film sa 2009 Cannes Film Festival para sa kanyang pelikulang Kinatay, isang istorya ng pangingidnap at rape sa isang prostitute. May pagka-bayolente ang pelikula na nagtatampok kay Coco Martin.
Si Brillante Mendoza ang unang Pinoy na nanalo ng ganitong award sa Cannes bagaman at marami nang sumali bago pa siya, tulad ni Lino Brocka.
* * *
Parang pinaka-magandang episode ng All About Eve sa linggong ito ay ang episode ngayong gabi na kung saan ay isusugod ni Warren (Alfred Vargas) sa ospital si Erika (Sunshine Dizon). Magdo-donate pa siya ng dugo para dito.
Samantala, ibibigay na ni Kenneth (Mark Fernandez) ang singsing na binili niya para kay Nicole (Iza Calzado), magugulat ang dalaga.
Magbabayad ng P20,000 si Katrina (Jean Garcia) kay Max (Gabby Eigenmann) para ibigay ang picture ng anak niya. Nagulat si Katrina dahil picture ni Erika ang ibinigay nito.