Yasmien pumalag kay Baron!

MANILA, Philippines – Pormal na nagreklamo kahapon si Yasmien Kurdi ng Acts of Lasciviousness laban kay Baron Geisler sa opisina ng Women and Children Concern Office o WACCO. Kasama ng aktres si Chief Supt. Yolanda Tanigue sa Camp Crame at ang abogado niyang si Atty. Ferdinand Topacio. Magkasama sina Yasmien at Baron sa programang SRO Cinemaserye Pre­sents Suspetsa ng GMA 7. Ito ang unang pagka­kataon na nahiram ang aktor mula sa kampo niya sa Star Magic para gumanap sa GMA 7.

Show comments