Jennylyn nang-isnab uli ng guesting

Ang ahensiyang Optical Media Board o OMB na pina­mumunuan ngayon ni Edu Manzano ay nasa ilalim ng tung­kulin ni Sen. Bong Revilla. In Bong’s crusade in support of Katrina Halili’s plight and fight, nakabuntot si Edu in tracking down the men behind the proliferation of the controversial Katrina-Hayden sex videotape.

Isa sa mga itinuturong sangkot sa ‘‘mass production’’ ng naturang tape is one named Erick Chua, believed to own and operate a voluminous number of replicating ma­chines. Dito naging interesado ang OMB.

From a wide perspective, hindi lang basta pag­labag sa karapatang pantao ang isini­sigaw ng kata­­rungan ni Katrina, o ng pagiging bik­­­tima rin ni Hayden ayon sa kanya at sa kan­yang abogado, o ng pagka­kalinlang din kay Dr. Vicki Belo ng nobyo.

All this makes for a carnival for patrons to watch and get enter­tained.

* * *

Nung nila-line up namin ang mga istorya for last Sa­turday’s Startalk, isa sa mga naitoka sa akin ay ang live guesting ni Jennylyn Merca­do. Sim­ple lang naman ang treat­ment: Isang VTR muna ang ipala­la­bas followed by a short issue-oriented interview segue sa promo.

Instantly, I played devil’s advocate. ‘‘Sisipot ba?’’ was my cynical reac­tion to Jen’s sche­duled guesting. Ma­ta­tan­daang last minute ay hindi sumipot si Jen sa Startalk na nataong promo sked niya para sa kanyang May 14 birthday con­cert nung May 9 episode ng programa.

True enough, inisnab uli ni Jen ang kan­yang guesting nitong Sabado, what­ever her rea­son for her no-show was im­material as it was the least concern of the production staff.

To myself, na-validate ko that Jen is one person who does not know how to look back over her shoulder sa progra­mang malaki rin naman ang naitulong sa kanyang career, her once-miserable state of pregnancy in­cluded.

* * *

Like the Shakespearean tragic hero Hamlet, nasa state of indecision din si Deejay (or DJ) Dura­no as far as his career path is concerned.

Sey ng aktor, who has made a number of memorable movies under Star Cinema, ‘‘Gusto ko namang pagbig­yan ang hilig ko sa singing. Actually, it’s more than just a hilig, it’s more of my talent waiting to be tapped.’’

Sadly, hindi raw nabibigyan si DJ ng pagkakataong ipakita ang kanyang talento sa pagkanta with his current network affiliation. Pero kung film offers naman ang pag-uusapan, hindi siya dehado. It’s just that he needs to find a venue where he can prove to all and sundry there’s more to acting than meets the eye.

Sa puntong ito raw ay naiisip ni DJ na lumuksong-bakod sa GMA 7 if only for its Sunday program, ang SOP, kung saan na-offer-an na rin naman daw siya ni Ogie Alcasid to establish his singing roots.

To transfer or not to transfer, that is the question, na hanggang ngayo’y hinahanapan pa rin ni DJ ng kasagutan, hopefully, the result of which will turn to his career advantage.

Show comments