Miracle Boy na-kidnap?

MANILA, Philippines - Mas kilala sa pangalang Santino ng May Bukas Pa, si Zaijian Jaranilla ay tila gifted sa pagpukaw sa mga puso ng bawat Pilipinong manonood. Mga Pilipinong mula sa iba’t ibang katayuan sa buhay ang natuto nang sumubaybay sa nasabing serye sa ABS-CBN para lamang matunghayan kung papaano babaguhin ni Santino ang mga taong kanyang makakasalamuha.

Sa pagpapatuloy ng kwento ng ‘Miracle Boy’, isang malungkot na insidente ang magaganap at gugulat sa mga tao ng Bagong Pag-asa. Ang paghuhukay sa labi ni Teresa ay maaprubahan ng korte. Habang ang lahat ay inaabangan ang muling paghuhukay, si Malena (Dina Bonnevie) ay naghahanda na naman ng masamang plano.

Sa kabilang dako naman, maki-kidnap si Santino ng isang ’di kilalang sindikato at maa-alarma ang buong baryo ng Bagong Pag-asa. Sino ang kumidnap kay Santino at papaano kaya siya maililigtas? 

Alamin ang mga kasagutan sa May Bukas Pa, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

Show comments