Jennylyn magtatago na lang sa bahay o sa US

Isa si Jennylyn Mercado sa mga kaibigan na madalas pinasasalamatan ni Katrina Halili kapag ini-interview ito tungkol sa sex video na kinasa­sangkutan niya ngayon.

Bagama’t marami rin siyang isyu na kinasa­sang­kutan ngayon at nangangailangan ng mga kasa­gutan, hindi ito hadlang para maging con­cerned si Jennylyn sa kaibigan simula pa nung mag­kasama sila sa pinakaunang edisyon ng StarStruck.

“Open kami ni Katrina sa isa’t isa pero, hindi ko alam na may ganun siyang video. Dalawa ang nakita ko pero tiningnan ko lang, curious ako, eh.

“Bilib ako sa kanya. Kung ako, hindi ko kakaya­nin yung gina­gawa niya. Hindi na lang ako lalabas ng bahay. Baka pumunta na lang ako ng US para magtago,” sabi ni Jennylyn during the presscon ng suspense-thriller ng GMA 7, ang SRO Cinemaserye Presents Suspetsa na kung saan ay magkakaroon sila ng some sort of a reunion ng mga kapwa niya taga-StarStruck na sina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte. Magkaka-batch sila sa nasabing realty search.

Alarming ang pagpayat ni Jennylyn, lalo na nang sabihin niya na pagkapanganak niya ay bumagsak na ang resistensya niya. “Nawala pati na ang boobs ko,” pagtatapat niya.

Inamin ni Jennylyn na work-related ang stress niya. Halos wala na siyang pahinga. Nung makita namin siya sa presscon ng SRO ay nagti-taping siya ng Paano Ba ang Mangarap? drama. Mahi­git 120 sequences ang kailangan niyang matapos pero nai-pull out siya sandali para maka­dalo ng presscon, pagkatapos ay ibabalik agad siya sa taping niya.

“Parati akong nagkakasakit. Paos ako nung con­cert ko. Ginawa ko ang lahat para lang bu­malik ang boses ko. Nag-steroid pa nga ako.

“Dapat nga nagpapahinga ako before the concert pero maski na nung concert mismo may trabaho pa ako. Hindi ako makapagpahinga kaya naging halos buto’t balat na ako,” paliwanag niya.

Hindi masisi si Jennylyn o maski na ang man­a­ger niya na maikuha siya ng trabaho ng sunud-sunod, halos walang patlang kasi kailangan niya ng pera. Yung malaking pera na nawala sa kanya ay hindi pa nasosolusyunan kaya kailangan talaga niyang kumayod ng husto. Maski na ang napakaraming isyu na lumalabas tungkol sa kanya ay hindi na niya napapansin. Nakatu­on ang pansin niya sa napakaraming trabahong kailangan niyang gawin at tapusin.

Itinuturing niyang isang form of relaxation ang pagkakatanggap niya ng role sa SRO Cinemaserye Pre­sents Suspetsa. Masayang maka­samang muli ang mga tulad niyang nagmula sa StarStruck. Panay ang kwentuhan nila, maingay sila. Piktyuran sila nang piktyuran.

Sinabi ng direktor ng series na si Mark Reyes na kahit tatlo ang bida niyang babae ay balanse ang mga roles nila. Napuna lamang niya nang magsimula silang mag-tape na iba na ang level of acting ng tatlo, ibang-iba nung katatapos lamang ng StarStruck.

Ang istorya ay naka-sentro sa tatlong childhood friends, ang self-assertive na si Nina (Jennylyn), smart na si Leonor (Yasmien) at lovely Abigail (Nadine). Nasubok ang kanilang friendship nang iligtas nina Nina at Leonor si Abigail sa pagkaka-rape ng anak ng mayor na si Chris (Ryan Eigenmann). Pero hindi sinasadyang natu­lak ng dalawa si Chris at nahulog ito sa kampanaryo.

Limang taon ang nakalipas bago sila nakaramdam ng pang­gugulo. Palagi silang nakatatanggap ng mensahe. Nag­si­mula na silang magduda kung may nakakita o nakakaalam ng kanilang ginawa.

Isang suspense-thriller ang Suspetsa na magsisimu­lang ma­panood sa Mayo 28. Kasama rin sa cast sina Victor Ali­walas, Paolo Contis at ang Kapamilya na si Baron Geisler.

* * *

Masisiyahan si Charice na malaman na kahit dito sa sa­rili niyang bansa ay patuloy ang kanyang pagtata­gumpay.

Base sa talaan ng Odyssey Music stores, nasa ikala­wang pwesto ang bagong album niyang My Inspiration mula sa Star Records, overall top seller ito.

Kalalabas din ng pinaka-bagong music video niya na pinamagatang Always You sa MYX channel nung Mayo 18.

* * *

Magsasama sa isang espesyal na proyekto sina Kris Aquino at ang kanyang bunsong anak na si Baby James. Isa itong ‘edu-taining’ album na magbibigay saya sa mga bulilit, ang We Are 1 na prinodyus ng Star Records.

May handog na pakulo ang Star Records para sa mga consumers. Kapag maagang nag-order (hanggang May 31), may makukuhang discount ang buyer. Imbis na P299, P250 na lamang ang magiging halaga ng nasabing album plus may libre pang cute na cute na picture frame.

Magkakaroon din ng tsansang ma-feature sa K Magazine ang early buyer once mafill-up na ang raffle coupon na nakapaloob sa libreng picture frame.

Ang two-disc album ay nagtatampok ng mga mother and child bonding music na ikagagalak ng mga bata. Makakatulong din ito sa brain development ng mga bata ayon sa pananaliksik.

Ilang kilalang mang-aawit din ang nag-participate sa We Are 1 album, sina Aiza Seguerra, Piolo Pascual at Gary Valenciano.

Show comments