Ate Guy hindi makontak ni Ian

Totoo ang sabi ni Regine Velasquez nung launch ng Are You the Next Big Star?, mas mara­ming kabataan ang nag-audition. At dahil ang dami-dami nila, nakakuha ng mas maraming finalists. I’m sure mas mahihirapan ang mga judges ngayon. Ang daming artistahin sa mga nakuha sa Top 40.

Okay sa akin yung pagiging mataray ng mga jud­ges, marami kasi ang nag-try na talaga namang hindi dapat naroroon. Siguro kung nasa That’s En­ter­tainment sila baka nakapasa pa sila. Very lenient kasi ako, matagal bago ako sumuko. At lahat ay binibigyan ko ng panahon para ma-develop. Ting­nan n’yo naman, mahigit 10 taon nang wala ang That’s… pero umaarangkada pa rin ang mga nag-graduate sa show.

* * *

 Aba, tingnan mo nga naman, ang dami-dami ng fans ni Jake Vargas, siya yung kabataang tinu­tulungan kong mag-artista. Napapanood siya sa kasalukuyan sa Dapat Ka Bang Mahalin? sa Dra­marama sa Hapon ng GMA 7, sa Walang Tulugan at sa indie film na Litsonero ni Lore Reyes. Bahagi ang Litsonero, na tinatampukan ni Paolo Contis, ng Sine Direk series na ang unang dalawang films na ipinalabas sa mga piling sinehan ng SM ay ang Fuschia at Ded na si Lolo.

Sabi ni direk Lore, madali raw kumuha ng mga instructions si Jake. At madaling umiyak. Wish ko lang na sana lumaki pa siya ng konti dahil malalaking bulas ang mga babae ngayon. Mahihirapan siyang makakuha ng ka-partner kung hindi siya lalaki ng husto.

* * *

Galit na talaga si Megastar! Biruin mo para magbigay siya ng P10M sa sinumang makaka­pag­patu­nay na mayroon ngang ibang pa­milya ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan ay talagang sigura­do siya sa katapatan sa kanya ng kan­yang asawa. Sino ba naman kasi ang nagkakalat ng ganitong balita?

O kayo, gusto n’yo bang magka-P10M? Eh ’di tanggapin n’yo ang ha­mon niya. Yun nga lang sigura­dong mahihirapan kayo.

Isyung pulitika kasi ito, may balak kasing tumakbo sa pagka-pangala­wang pangulo si Sen. Kiko, kaya pa­tu­loy ang black propaganda sa kanya.

Black propaganda rin yung video na lumabas kina Sen. Bong Revilla at Assunta de Rossi. Isang eksena kasi ito ng pelikulang ginawa nila. So ano sa ina­akala ng nagpalabas nito ang makukuha niya? Akala ba niya masisiraan niya si Sen. Bong? At bakit ngayon lang?

* * *

Nasaan naman kaya si Guy (Nora Aunor) at hindi siya ma­kon­tak ng anak niyang si Ian de Leon? Mapa-landline o cellphone, walang matawagan si Ian.

Birthday kasi ni Nora at sino bang anak ang ayaw bumati sa kanyang ina na matagal na niyang hindi nakikita? Nagdaan na rin ang Mother’s Day siyempre, kahit belated gusto siyang mabati nito.

Hay, Guy, magparamdam ka naman. May mga anak kang iniwan dito, ’di naman maaari na basta mo na lang putulin ang relasyon mo sa kanila. Huwag na kay Lotlot na balitang may tampo sa iyo at baka may tampo ka rin sa kanya, pero kay Ian, siya rin ba ni hindi mo naiisip? Paano kaya siya nakokontak ng mga Noranians eh ang sarili niyang anak eh hindi?

Show comments