Kahapon dapat lumabas ng Asian Hospital si Richard Gutierrez, pero hindi ito pinayagan ng kanyang doctor dahil may fever pa. Plano sana ng actor, dumalo sa 8:30 p.m. mass kagabi para sa namatay niyang personal assistant (PA) na si Nomar Prado.
Nakausap ng press si direk Mark Reyes sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa at nabanggit na hindi kailangang magmadaling mag-report sa taping ng Zorro si Richard. Mga eksenang hindi siya kasama ang mga kukunan habang siya’y nagpapagaling.
May big event ang Flawless kagabi, kung saan, isa siya sa mga endorsers, pero kundi siya pinayagang makalabas ng hospital, maiintindihan ang kanyang absence. Sa May 28, 2-4 p.m. naka-schedule siya sa Live Chat ng GMA 7 and hopefully, kaya na ni Richard na makipag-chat sa kanyang fans.
Bukod kay Annabelle Rama, si Ruffa Gutierrez sa kanyang K-Text ang nag-a-update sa lagay ni Richard at sa burol ni Nomar sa St. Peter Chapels. Kagabi, may mass uli na dinaluhan ng mga talents ng Royale Era, pamilya at kaibigan ni Nomar.
* * *
Malayo na ang narating nina Angelina at Yaya sa local TV dahil host na sila ng Hole in the Wall na balita namin may season two dahil sa lakas sa mga viewers at sisimulan na rin nila ang kanilang pelikula na produced ng APT Entertainment at GMA Films.
Any comment na iniwas ang Pinoy Bingo sa Hole in the Wall at Korean series ang itinapat sa kanila?
“Competition is always good, diskarte ng ABS-CBN yun at malakas ang Boys Over Flower. In a way flattered kami ni Bitoy dahil malakas ang itinatapat sa amin, ibang genre pa. Ginawa na rin nila sa Bubble Gang yun,” sagot ni Ogie.
Naniniwala si Ogie na hindi pa rin bumibitaw ang viewers ng Hole in the Wall lalo na this week at susunod na linggo dahil may kasama ng artista ang bawat team at tatayong team captain. Buwena mano si Aiza Seguerra na team captain ng UST at Rochelle Pangilinan na team captain ng University of Eastern Philippines ng Samar.
Nag-spoiler si Ogie sa movie nila ni Michael V., wala pang casting, may soundtrack at gagawan ng sayaw ni Geleen Eugenio. May guests, pero karamihan sa mga characters ay sila ni Michael V. ang gagawa parang si Eddie Murphy. Join sila ni Michael V. na sumulat ng script with direk Cesar Cosme at mga writers ng Bubble Gang at si Mike Tuviera ang direktor.
* * *
Nalulungkot si Jean Garcia sa pagtatapos ng taping ng All About Eve dahil mami-miss niya ang mga kasama, ang kanilang kuwentuhan at sama-samang pagkain. Wish nitong makatrabaho pa rin sila sa ibang soap ng GMA 7.
At the same time, natutuwa si Jean dahil maganda ang ending ng All About Eve, magkakapatawaran, may magkakatuluyan, pero may mamamatay. Kung sino, abangan n’yo na lang.
Masaya rin si Jean dahil ang papalit sa show niya na Adik sa ’Yo ay isa ang anak na si Jennica Garcia sa mga bida. Very proud siya sa anak sa naabot nito kahit bago pa lang sa showbiz at lagi niyang pinaalalang magpasalamat sa Diyos at ’wag munang ma-in love. Hindi alam ni Jean ang tungkol kay Paulo Avelino, pero itatanong niya sa anak.
Wala pang next project si Jean, pero natuwa kung totoong kasama siya sa Darna o Narda ni Marian Rivera at okay lang sa kanya kung main contravida siya. Basta, maganda ang karakter, hindi niya tinatanggihan.