MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Filipino Hairdressers Cooperative (Fil-Hair Co-op) ay ginanap ang isang paligsahan ng pabilisan sa paggupit ng buhok ng Ultimate Hairecord Search sa Philtrade Center noong May 12 na sinaksihan ng mahigit 5,000 katao.
Pagkatapos ng apat na oras ay si Raul Sunga ng Bacoor, Cavite na nagtala ng 705 ang tinanghal na kampeon at nag-uwi ng P100,000 mula sa Fil-Hair, P50,000 mula kay MMDA Chairman Bayani Fernando at P100,000 halaga ng scholarship mula sa Tesda. Lalahok si Raul sa isang international competition at kung papalari’y matatala ang kanyang pangalan sa Guinness Book of Records.
Ang iba pang nagwagi’y sina Daryl Cardon (1st runner-up Makati 701), Candy Joy David (2nd runner-up Caloocan 579), at Ron Mark Duco (3rd runner-up Manila 530). Tumanggap din sila ng cash prize, tropeo, TESDA scholarship at gift packs.
Nasa larawan left to right (front row): Duco, Cardon, Sunga at David at (second raw) TESDA Dir. Maria Hernandez, Joel Cruz ng Aficionado, TESDA Deputy Dir. Gene Dal, Mother Ricky at Marikina Mayor Marides C. Fernando.
Ang blow by blow account ng hair-cutting competition ay mapapanood ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa Life and Style with Ricky Reyes ng QTV-11.