Dawn hindi hirap sa pagbubuntis

TV Update

MANILA, Philippines – Panibagong season na naman ang sisimulan ng Lipgloss sa TV 5 ngayong Sabado, May 23. Ang nag-iisang teen-oriented show ngayon sa Philippine TV ay magpapakilala ng mga bagong artista sa fourth season pilot episode sa bago nitong timeslot, 5 p.m. na siyang magiging pre-programming nang magpa-pilot ding Who Wants to be a Millionaire? ngayong Sabado.

Pasok bilang mga bagong mukha sa Lipgloss ang barkada nina Lovi Poe, Benj Besa, Enz Guazon, Rhen Escano, Cherry Ann Kubota, and Regine Angeles na makaka­sama ng mga regulars na sina Maxine Eigenmann (Abby), Kevin Lapena (Edge), Louise delos Reyes (Louise), Charina Suzara (Julivee), Carlo Guevara (Jose Mari), Nico Ibaviosa (Brent), Neil Coleta (Caloy), Zyrus Desamparado (Poknat), at Talentadong Pinoy discovery Jesa Mendoza (Carla).

Si Lovi ang pinakabago at pinakamalaking dagdag sa Lipgloss na na-introduce sa third season finale. Ginagampanan niya ang papel na Princess Ava, isang runaway princess at magiging bagong love team ni Edge.

Mula naman sa Star Magic si Benj na gaganap bilang si Knox, ang bagong campus crush ni Abby.

Tunay na mga bagong discoveries sa TV sina Enz, Rhen and Cherry na gaganap bilang Chip, Janna and Alona, respectively. Sila ang magiging dagdag rekado sa tumitinding kontrobersyal sa buhay ng mga estudyante ng Linden High.

Ang Lipgloss ang nagpasimula sa local TV ng makulay at sexy school uniforms na nagaya na ng ibang teen shows. Ito rin ang nagpasimula ng hip soundtrack na kadalasang dina-download ngayon ng kabataan.

Kaya maki-surf, sink, and dive sa kuwento ng Linden High students tuwing 5 p.m. at parte ng Sabado Panalo weekend primetime belt sa TV 5.

Ang Lipgloss ay prodyus ng TV5 thru Prime Events Force at dini-direhe naman nina Crisaldo Pablo at Aleah Eugenio.

* * *

Handa ka na bang maging isang ina?

Tuklasin ang sagot sa napakahalagang katanungang ito para sa mga soon-to-be-moms ngayong Sabado (May 23) sa Wonder Mom.

Tunghayan ang pagbabahagi ng aktres na si Dawn Zulueta kay Karen Davila ng kanyang mga karanasan bilang ina at bilang asawa ng isang pulitiko. Nagdaan sa isang maselang pagbu­buntis si Dawn sa edad na 36 kung kaya’t kinakailangan niyang iluwal ang kanyang unang anak na si Jacobo matapos lamang ang pitong buwan. Alamin na ang kanyang kalagayan ngayong siya’y pitong buwang nagdadalang-tao sa kanyang ikalawang anak.

Samantala, ibibigay din ni Karen ang top 10 things na dapat mayroon ang mga mommies para sa kanilang bagong silang na babies at ituturo kung paano aayusin ang kuwarto ng inyong munting anghel. Sasamahan siya ng bulilit guest host na si Cha Cha Cañete (mula sa Bulilit commercial ng Camella Homes) upang mamili ng mga gamit sa baby store na maaring magpaganda ng inyong mga nursery. 

Ano nga ba ang karaniwang problema ng mga buntis? Sasagutin din kayo ni Karen sa pamama­gitan ng kanyang ibabahaging tips para maibsan ang mga problema tulad ng sakit ng ulo, stretch marks, namamagang ilong, pagsusuka, atbp. Lahat ng ‘yan ngayong Sabado (May 23) sa   Wonder Mom, kasama si Karen Davila, 9:45 AM sa ABS-CBN.

* * *

Mas bigatin at mas bongga na talaga ngayon ang TV5 dahil puro matitinding shows ang nasa Sabado Panalo weekend primetime belt nito with a powerhouse line-up of top-rating shows Lipgloss, Talentadong Pinoy and Midnight DJ, na sasamahan pa ngayon ng biggest and latest addition na Who Wants to be a Millionaire?.

Mapapanood din sa 5MAX Movies ngayong Sabado ang Terminator 3: Rise of the Machines. Pabuenas ito para sa mga manonood ng Terminator 4 Salvation na magkakaroon na ng worldwide premiere sa cinemas sa susunod na linggo.

Show comments