"Sex video" ni Sen. Bong at Assunta uploaded sa Internet

Seen : Ang pag-resurface sa Internet ng nude pictures nina Senator Bong Revilla at Assunta De Rossi mula sa 2002 movie na Kilabot at Kembot, ang epekto ng privilege speech ng senador tungkol sa sex video nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho.

Nagreklamo noon si Assunta dahil hindi niya inakala na lalabas at gagamitin sa publicity ng pelikula ang litrato ng lovemaking scene nila ni Bong.

Scene : Ex-girlfriend ni Hayden Kho ang isa sa mga babae na kasama niya sa sex video.

Naging karelasyon ni Hayden ang babae bago niya naging girlfriend si Dra. Vicki Belo.

Seen : Wagi sa American Idol si Kris Allen. Umuwing luhaan ang hinuhulaan na magiging winner na si Adam Lambert.

Scene : Ang pagsali sa isyu at ang pakiusap sa publiko ng Malacañang Palace na huwag tangkilikin ang sex video nina Hayden at Katrina. Nagagamit ang video scandal upang mapagtakpan ang mga tunay at mabibigat na problema ng bansa.

Seen : Ang hamon sa OMB na salakayin ang mga nagtitinda sa Quiapo ng sex video nina Hayden at Katrina.

Madaling sabihin ngunit mahirap gawin.

Scene: Ang masugid na panliligaw ni Marco Alcaraz kay Kris Bernal. Nagregalo si Marco ng bracelet kay Kris.

Seen : Wala nang makapipigil pa kay Alfred Vargas. Tuloy ang pagkandidato niya bilang konsehal ng QC sa 2010.

Show comments