Idea nina Ogie at Michael V., kinopya ng Fox?

Galit kay Sarah Geronimo ang fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil ni-request daw nito sa Star Cinema at Viva Films na gusto niyang makapareha si Gerald. Dahil dito, kung anu-ano ang itinawag ng fans sa singer-actress and knowing her, tatawanan at sasang-ayunan pa ang tawag sa kanyang ‘manang’ ng grupo ng fans.

Ang medyo foul lang ay ang sabihang “lumandi” si Sarah dahil lang sa kanyang request (kung totoo man) dahil malayo sa personalidad ng dalaga ni mommy Divine ang inaakusa sa kanya. Kung gusto man niyang makatambal si Gerald, trabaho lang ‘yun at wala itong balak agawin ang young actor kay Kim.

In the end, ang Star Cinema at ang Viva Films pa rin naman ang magdedesisyon at masusunod kung kanino ipapareha si Sarah at ganu’n din sina Kim at Gerald.

* * *

Bumisita kami sa last taping day ng All About Eve na sa Ospital ng Makati ang location at masaya’t malungkot ang buong cast dahil maghihiwa-hiwalay na sila. Wish nina Jean Garcia, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Alfred Vargas, Keempee de Leon, Gabby Eigenmann, Mark Anthony Fernandez, Eula Valdez at Richard Gomez na magkakasama uli sila in the future.

Sabi ni Keempee de Leon, may twist ang character niyang si Paul na mari-reveal towards the ending of the series. Ayaw din nitong sabihin kung happy o sad ang ending ng character niya, basta panoorin na lang.

Except for co-hosting Are You The Next Big Star? with Regine Velasquez, wala pang ibang show sa GMA-7 si Keempee at kung pamimiliin, gusto niyang magkontrabida para iba naman ang mapapanood sa kanya. Habang wala pang show, magwu-workout muna siya.

Tsika ni Keempee, napagkuwentuhan nila si Katrina Halili at ang message nito sa actress, maging strong at kung kailangang lumaban ay gawin niya.

 “I felt bad at naawa kami sa kanya dahil pagkatao niya ang nasira. Nag-sorry na siya at tinanggap ang pagkakamali, tapos may lalabas na ganito? Sana tigilan na siya ng ibang tao.”                                                                                     

Samantala sa AAE this Friday, praning na si Alma (Eula) at desididong alamin kung sino ang tunay na anak ni Katrina (Jean) at nang malaman, sasabihan niya si Max (Gabby) na ‘wag sasabihin kay Katrina ang tungkol kay Erika (Sunshine). 

* * *

Binisita namin ang website ng Glee, bagong musical-comedy show ng Fox na malapit nang umere. Kuwento kasi ni Dinno Erece, may isang character ng show na spoiled brat at tinatawag na “loser” ang kanyang assistant.

Hindi pa ‘yun, tuwing tatawaging loser ng spoiled brat ang assistant, nagha-hand sign ito ng loser na gaya ng ginagawa ni Ogie Alcasid kay Michael V. sa Hole in the Wall at sa Ang Spoiled segment ng Bubble Gang. Hindi namin pinanood ang trailer kaya wala kaming narinig na may nagsalita ng “loser,” pero sa publicity photo, ilang cast member ang nagpa-flash ngloser sign na pinauso ni Ogie as Angelina.

Nag-isip tuloy kami kung may Filipino staff ang Glee na nakapanood kina Ogie at Michael V at in-adopt ang nasabing idea. Malayong sina Ogie at Michael V ang nanggaya dahil matagal na ang segment nila sa Bubble Gang. Coincidence lang kaya ito?

Patuloy pala ang katuwaan nang mga sumasali sa HITW dahil bukod sa chance na manalo ng big prizes, natatawa sila sa mga kalukahan at kasupladahan ni Angelina at pagpi-flirt ni yaya Rosalinda kay Edward (‘yung lifeguard).

Show comments