Nakabasa ako ng isang artikulo sa kalapit column ko rito sa PSN tungkol sa isang singer na sumisingil ng P150, 000 sa bawat kanta. It’s a take it or leave it deal.
Ano bang klaseng boses meron ang nasabing singer at ganito siya kataas sumingil?
Natatandaan ko nung araw kapag hindi nag-encore ng mahigit sa dalawang kanta ang isang singer, ibig sabihin ayaw siya ng kanyang audience. Ngayon, di pa alam ng singer kung magugustuhan siya ng tao ay sumisingil na ito ng ganun kamahal!
Imbes na mahalin siya ng tao, baka sumama pa ang loob nila.
* * *
Nagpapasalamat ako sa mga guro na bumubuo ng Pasado Awards sa pagbibigay parangal nila sa aking kontribusyon at mga nagawa sa larangan ng local entertainment. Andun kami nina Tita Mel Tiangco.
Pero marami ang hindi nakarating. Tulad nina Luis Manzano, KC Concepcion, Sharon Cuneta at Judy Ann Santos.
Nagkita kami ni Luis, ‘di ko lang matandaan kung saan at tinanong ko siya kung bakit wala siya sa Pasado Awards. Nagulat pa siya dahil akala niya, sa darating na Sabado pa ito. Hihingi na lamang daw siya ng dispensa sa mga guro behind Pasado at hindi niya sinasadya ang pagkakamali niya sa araw na idinaos ito.
* * *
Naimbita ako ni Billy Crawford nung Lunes sa birthday celebration niya sa Greenbelt 5. Dahil taga-Dos siya, most of his guests are Kapamilya, parang ako lang ang Kapuso. Andun ang mga bossing na sina Cory Vidanes at Linggit Tan.
Kuhanan sila nang kuhanan ng video pero, nagtataka ako dahil ni minsan hindi ako nakunan.
Masaya si Billy at masaya ako para sa kanya dahil totoo na pala ‘yung relasyon nila ni Nikki Gil. Well walang masama, pareho naman silang walang sabit.
Congrats sa kanilang dalawa.
Nanghihinayang lamang ako dahil parang nawawala na ang pagiging isang international star ni Billy. Sana man lamang ay matulungan siya ng Dos na mamintina ito. O baka naman gusto niya ‘yun dahil nandito ang mahal niya.
Happy birthday, anak.
* * *
Dumalo ako sa album launching ni Sharon Cuneta sa Edsa Shangrila. Pawang mga awitin para sa mga bata ang nilalaman ng kanyang bagong album.
Pagpasok ko ng venue ay agad akong nakita at inacknowledge ni Mega. Tinawag pa niya akong “tatay”. Sarap ng feeling kapag ganun ang trato sa akin ng isang itinuturing kong anak. After our short interview, nangako itong dadalaw sa Walang Tulugan pagbalik niya mula sa kanyang concert tour sa US.
Enjoy si Mega na tinanggap ng mga manonood ang mga panlalait na ginawa sa kanya sa Best Friends Forever. Pero pangako niya na pagbabalik niya, payat na siya.