^

PSN Showbiz

Marian umamin na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tuwang-tuwa ang mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nanood ng show ni John Lapus sa Teatrino noong Sabado sa narinig sa actress. Sa batuhan ng spiel nina John at Marian, nabanggit ng comedian-TV host na ang pangalan ng boyfriend niya ay Dingdong Dantes. Sinagot daw ’yun ng dalaga ng dialogue na “Ang pangalan ng boyfriend ko ay Jose Sixto Dantes III (tunay na pangalan ni Dingdong).

Nagsigawan ang audience, lalo na ang Marian-Dingdong fans dahil nakumpirma nilang totohanan na ang relasyon ng dalawa. Nang tanungin si Marian tungkol dun, ang sabi’y part daw yun ng kanyang spiel, pero napag-alamang ’di kasali sa spiel niya na babanggitin ang real name ni Dingdong.

Kaya para sa mga fans ng dalawa na nalulungkot na magkahiwalay sila sa mga bago nilang projects, wala kayong dapat ikabahala’t tuloy ang sweetness ng dalawa. Hindi lang nakapanood si Dingdong sa show ni John dahil may sakit ito that night.

Si Marian naman, malapit na raw magsimulang mag-training para sa mga gagawing stunt sa Darna. Hindi lang namin alam kung nag-start na siyang mag-workout.

* * *

Magandang birthday gift kay Billy Crawford ang launching ng Fly, ang sariling cologne line niya sa Human, dahil ginawa the day after his 27th birthday (May 16). Kaya naman, ganado itong mag-perform sa launching na ginawa sa Trinoma at nagmistulang mini-concert sa rami ng kanyang kinanta at may kasama pang fashion show.

Isa pang birthday gift na hindi makakalimutan ni Billy ay ang surprise dinner sa isang restaurant sa Tagaytay na inihanda ng nobya niyang si Nikki Gil. Yes, inamin na ni Billy na on na sila, pero ’di si­na­bi kung ilang months na ang kanilang re­lasyon.

Sobrang natuwa si Billy sa effort ni Nikki na mapasaya siya sa kanyang birthday at dahil wala rito ang parents niya, ang parents ni Nikki ang naka­sama nilang mag-dinner. Kaya, sabi ni Billy, sa sobrang saya niya, wala na siyang hihilingin pa.

Ikinatuwa rin ni Billy ang pagtawag ni German Moreno para batiin siya ng happy birthday at ka­gabi, may dinner sila kasama ang ilang kaibigan.

“Ang maganda kay kuya Germs, once nagalit siya sa ’yo and you learned your lesson, patata­warin at tatanggapin ka niya. Nagpapasalamat ako sa kanya,” sabi ni Billy.

* * *

Sayang at ipinagbawal itanong kay David Archuleta sa interview niya sa SiS, Eat…Bulaga at sa presscon nila ni David Cook, kung paano niya nalamang magaling na singer si Regine Ve­las­quez. Mabuti na lang at may napag­ku­wentuhan ito na siyang nag-tsika sa amin.

May kaklase raw Pinoy si David A. na fan ni Regine at ipinapakinig sa kanya ang mga CDs ni Songbird. I’m sure, kumpleto ng album ni Regine ang classmate ni David A, kaya alam nito kung gaano ito kahusay kumanta.

Anyway, sa Philippine Airlines 9 p.m. flight daw ang sinakyan ng dalawang David pabalik ng Amerika noong Sunday. Bukas Wednesday, mapapanood si David C. sa finals ng American Idol 8 at kakanta ito, wish ng mga fans na masilayan din nila si David A.

* * *

Sa All About Eve, nagsisi at guilty si Nicole (Iza Calzado) sa pagkabulgar ng lihim ni Erika (Sunshine Dizon), pero wala na siyang magawa. Kahit labag sa kalooban, magsisi­nungaling si Erika kay Katrina (Jean Garcia).

Ipinaalam ni Max (Gabby Eigenmann) kay Erika na hinahanap ito ng kanyang ina, pero ’di sinabi ang pangalan. Mapapraning si Alma (Eula Valdez) sa nalamang nanganak sa kulungan si Katrina at si Frederico (Richard Gomez) ang ama.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BILLY

BILLY CRAWFORD

BUKAS WEDNESDAY

DAVID A

DINGDONG DANTES

KAYA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with