Napakarami ng mga fans ni Richard Poon, ang tinatayang nag-iisang Big Band Crooner ng bansa. Hindi man sila nakikitang nagdadambahan sa kanyang mga album launch na tulad nang naganap last Saturday lamang sa Atrium Mall ng Eastwood City where MCA Universal decided to launch his sophomore album entitled For You, ramdam na ramdam naman ang kanilang presence sa napakabilis na pag-usad ng benta ng kanyang album.
Nagparamdam din sila hindi sa pamamagitan ng maingay na paghanga sa kanyang performance sa Atrium open space na kung saan ay nagkaroon siya ng some sort of a concert, libre, after his short presscon kundi sa pamamagitan ng pagpuno sa espasyo na itinalaga ng Eastwood City para sa lahat ng gustong mapanood siya.
Yes, punung-puno ang lugar at kahit medyo natagalan ang pagsi-set-up ng banda at siyempre meron pang front act bago ang number ni Richard, walang ingay na narinig, people patiently waited for him.
Effortless kumanta si Richard. Dinig mo sa tunog ng kanyang mga kanta ‘yung sinasabi niyang bagong areglo ng mga standards na nakalakhan na ng marami. Hindi naman niya pinahirap ang mga madadaling kanta pero, maa-appreciate ang bagong areglo na pinagtulungan at pinaghirapan nilang ma-achieve para umayon sa istilo ng isang Richard Poon.
Kita mo ang appreciation ng lahat ng mga nanood sa kanya, hindi lamang sila pumapalakpak tuwing makakatapos siyang kumanta, nakikikanta rin sila sa kanya.
Kung umabot man sa platinum mark ang kanyang debut album na I’ll Take Care of You, hindi na kailangang magkaroon ng psychic powers para malaman nila na ang 2nd album na For You ay makakarating din sa ganitong mark o baka lumabis pa.
May isang kanta sa loob that I have been humming if not singing it for the longest time. Nun ko lamang nalaman na Kumot at Unan pala ang title nito. Nakaka-in love rin yung rendition niya ng You and I, Blue Moon, (TheyLong To Be) Close To You at ng iba pang kantang nasa album.
Ginawang bago nina Richard at ng kanyang banda ang lahat ng awitin sa album, pero ang nakatutuwa, na-retain ang konsepto ng lahat ng kanta. “Gusto ko lamang ma-outdo ang unang album in terms of feelings,” ang paliwanag ni Richard na tumulong din sa paggawa ng areglo ng album dahil isa rin siyang mahusay na musikero bukod sa pagiging isang matagumpay na manganganta.
Do I sound like a fan? Yes, I am a big fan, at hindi lamang ako kundi maging ang anak kong doktora who, despite her busy sked, ay narun sa Eastwood City kasama ang tatlo niyang co-residents.
Did I hear it right na marami siyang fans na delighted to know na he is not married and is not even dating at the moment? Pero ang reason ni Richard for being unattached ay applicable rin sa kanila. Wala itong panahon na maibibigay sa isang special girl.
“Ang babae kapag minahal ko, kailangang bigyan ko siya ng time. Pero baka sipain lang niya ako kapag wala akong maibigay na enough time for her,” paliwanag ng guwapong crooner who will have his time full promoting For You for the months ahead.
* * *
Kung sa tunay na buhay hindi pag-aawayan nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks si Matt Evans. Taken na si Shaina at si Melissa naman ay kuntento na sa tambalan nila at marahil sa paghihintay kung liligawan nga siya ng kanyang ka-loveteam. Tutal naman kahit sa kasagsagan ng kanilang tandem ay meron pa rin namang nanliligaw sa kanya, nagpaparamdam ng pagtatangi. Ang mahalaga, tanggap sila ng mga manonood ng TV, isang dahilan kung bakit kahit hindi silang dalawa lamang ang bida sa Kambal sa Uma, kasama rin dito ang tambalan nina Shaina at Jason Abalos, hindi matinag ang serye sa mataas na puwesto nito sa ratings game. Pinatutunayan nito na maaring maging primetime ang serye nila sa hapon sa ABS-CBN.
Mapapanood Lunes hanggang Biyernes ang Kambal sa Uma.