Hindi siguro alam ng singer-actress na ito na may recession o baka naman ayaw lang niyang tumanggap ng trabaho sa super taas na hinihinging talent fee ‘pag may lumalapit sa kanya at nag-o-offer ng show.
Nakalulula ang asking price nitong P150,000 per song considering na matagal na siyang walang hit song at hindi na siya gaanong hot. Puwede ring hindi alam ng singer-actress na ganu’n kalaki ang asking TF niya dahil manager niya ang tumatanggap ng offer at namimili kung ano ang tatanggapin o hindi.
Sa hirap ng buhay ngayon, kami ang nanghihinayang sa mga pinalampas na offer ng kanyang manager dahil lang sa napakataas na asking price at per song lang ‘yun ha!
Magaling kung sa magaling ang singer-actress, pero kundi siya mag-a-adjust sa nangyayari sa ating economy baka magising na lang sila ng kanyang manager na wala ng dumadating na offers.
* * *
Sa first week of June na raw magsisimulang mag-taping ang Rosalinda, pero si Carla Abellana pa lang ang in-announce na gaganap na Rosalinda at siniguro na rin ni Direk Maryo J. delos Reyes na siya ang magdidirek nito.
Hinihintay pa ang formal announcement kung sino ang gaganap sa role ni Fernando Jose na unang nabalitang ibibigay kay Dingdong Dantes, napunta kay Mark Anthony Fernandez at ang latest, si Geoff Eigenmann na ang leading man ni Carla.
Si Geoff daw ang pinagre-report sa shoot ng cinema plug ng Rosalinda, kasama sa mga bagong shows ng GMA-7 na mapapanood sa mga sinehan. Hindi namin alam kung isa lang si Geoff sa makakapareha ni Carla at kung kasama pa rin si Mark Anthony dahil ayaw kaming sagutin ng mga tinatawagan namin.
Kung napalitan man si Mark, dahil siguro tsinito ito at mas bagay sa mga Korean novela, si Geoff daw ay mas bagay sa Pinoy adaptation ng Mexican series gaya ng Rosalinda.
* * *
Sa Wednesday (May 20) na ang opening ng Litsonero, pangatlo sa anim na pelikula ng Sine Direk Series ng APT Entertainment at DGIP na ipalalabas at sa direction ni Lore Reyes. Kabado ang director sa magiging pagtanggap sa kanyang pelikula dahil maganda ang feedback ng tao sa Fuschia at Ded Na Si Lolo.
Sa napanood namin, magugustuhan ng moviegoers ang Litsonero na kahit puro pagkain ang makikita, umiikot pa rin sa family value, pagmamahal at pagsunod sa magulang. Coincidence lang kaya na sa pelikula, nag-aaway sina Paolo at Maricel Laxa (gumaganap na ina ng actor), pero hindi dahil sa babae, kundi dahil gusto ni Fidel (Paolo) mag-abroad at gusto naman ng ina niyang mag-stay siya sa ‘Pinas at tumulong sa kanila.
* * *
Tuwang-tuwa ang mga nanood ng concert nina David Archuleta at David Cook dahil kahit sandali lang, nagsama sa stage ang dalawa ay nagkaroon ng chance ang nasa harap ng stage na kunan sila ng picture together.
Wala sa original plan ang pagsasama nina David C at David A, kaya laking tuwa ng fans at ng Fearless Promotions na rin sa last song ni David C, tinawag nito si David A to join him. Kahit humming lang ang ginawa ni David A dahil kanta ‘yun ni David C, happy ang fans.
Tig-14 song each ang kinanta ng dalawang Davids, kaya lang, except for Always Be My Baby, Leave the Lights On, Comeback To Me, Declaration at Tell Me Lies, the rest of his repertoire ay ‘di pa alam. Sa kaso ni Archuleta, buong track yata ng kanyang album ay kinanta at kinanta rin niya ang Stand By Me na pinanlaban niya sa American Idol.