MANILA, Philippines – May balita si Cesar Montano sa kanyang bagong iniendorso, ang Western Union Company, ang global leader sa money transfer services o pagpapadala ng pera. Ayon sa actor-singing contest host, lalo pang pinadali ang pagpapadala at pagtanggap ng pera sa lahat ng computerized Western Union agent locations sa bansa sa pamamagitan ng bagong formless transaction process.
Kailangan lang mag-register ang mga gustong gumamit ng formless transaction process sa unang pagkakataon sa pagpapadala at sa pagtanggap ng pera. Sagutan lang ang “To Send Money” o “To Receive Money” form. Kailangan din ang isang valid photo identification card. Ipapa-process ang transakyon ng isang front line associate.
Ang personal information ng customer ay ilalagay sa central database ng Western Union at siyang magiging basehan ng mga susunod pang transakyon na gagawin ng customer. Kailangan lamang na ipakita ang valid photo identification card, ang Western Union Gold Card (kung meron nito), at iba pang impormasyon sa dati nang pagpapadala o pagtanggap ng pera. Isang beses lamang gagawa ang kliyente ng “To Send Money” o “To Receive Money” form at hindi na kailangang ulitin pa.
Kaya sa Western Union, sabi ni Buboy, kampante ang mga kliyente gaya nang naipangako ng kumpanya sa mga suking tumatangkilik.