Dabarkads tatlong dekada na!

MANILA, Philippines – Bilang pagdiriwang sa ika-30th year ng Eat Bulaga (EB), patuloy na magbibigay ng saya ang Dabarkads sa pag-iikot sa buong Pilipinas na tinawag nilang Tatlong Dekads ng Dabarkads. Ngayong Linggo, May 17 isang handog-pasasalamat na naman ang gagawin ng grupo sa Lapu-Lapu Gym sa Cebu City.

Abangan ang kasiyahang dulot ng Kaserola ng Kabayanan Summer Caravan dahil maraming cash (may P10,000 at P3,000), EB souvenir items, at mga gift packs ang ipamimigay!

Matatandaan na ganoon din ang ginawa ng Dabarkads sa lugar ng Malabon, Lipa, at Cagayan de Oro, kaya para sa mga residente ng Cebu City mai-experience n’yo rin ang once-in-a-lifetime celebration na ito ng Eat Bulaga na pangungunahan ng magkapatid na Tito at Vic Sotto, kasama sina Anjo Yllana at Allan K.

Ang mga Cebu residents ay nire-request na magdala ng kahit anong produkto ng Alaxan FR, Tuseran, TikiTiki, Sunsilk, Maggi Sinigang, Champion detergent, at Rebisco Sandwich para makisaya at madama ang thrill ng EB show sa Lapu-Lapu Gym.

Ang Kaserola ng Kabayanan ay pupunta rin sa probinsiya ng Dagupan, Davao, Bicol, at Iloilo sa mga darating pang Linggo. 

Show comments