Pagpapakasal ni Raymond Bagatsing maraming kuwento

Marami ang bumati sa akin kahapon ng happy birthday dahil nanood sila ng Startalk. Hindi po kahapon ang birthday ko, sa May 20 pa pero dahil mahilig sa advance ang Startalk, binigyan na nila ako kahapon ng birthday tribute. Birthday tribute daw o!

Thank you na rin sa mga nag-greet sa akin, lalo na sa mga nagpadala ng regalo, in cash and in kind. Hindi ko kayo malilimutan!

At sa mga hindi pa nagpa­padala, may araw at oras pa kayo. Remember, sinusu­suwerte ang mga nagbibigay sa akin ng regalo kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sakay na!

* * *

Napa-hmp ako sa intrebyu kay Raymond Bagatsing tungkol sa pagpapakasal niya kay Cora Pastrana.

Hindi ko na-feel kay Raymond ang passion ng isang mhin na bagong kasal. Puwedeng nagpakasal sila pero malay natin, may kuwento sa likod ng kanilang pagpapakasal.

Noon pa pinagdududahan na marriage for convenience ang nangyari kina Raymond at Cora pero tumanggi sila na magpainterbyu.

Maraming kuwento ang mga kababayan natin sa Los Angeles tungkol sa tunay na dahilan ng pagpapakasal nina Raymond at Cora. Sila ang mga tao na hanggang ngayon eh nakataas ang mga kilay.

* * *

Star na star si Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang 60th birthday party sa General Santos City noong Biyernes.

Talagang siya ang Star of the Night. Feeling debutante talaga si Mommy Dionisia na hindi pala nakaranas ng debut party noong 18th birthday niya kaya ginastusan ni Manny ang kanyang 60th birthday.

May change costume ang Pambansang Madir. Tinupad ni Mommy Dionisia ang kanyang sinabi na iba’t ibang gown ang gagamitin, mga gown na binili niya sa kanyang unang biyahe sa Amerika.

Hindi na talaga maabot si Mommy Dionisia. Nagpa-facial siya at nag-check in sa hotel , ilang oras bago ginanap ang kanyang party. Take note, live ang coverage ng 24 Oras sa party ng madir ni Manny. Mula sa pagpapa-make-up hanggang sa dinner, nakatutok kay Mommy Dionisia ang mga TV camera ng Kapuso network.

Ganyan kasikat si Mommy Dionisia at para sa inyong impormasyon, nagre-rate ang lahat ng mga interbyu sa kanya.

* * *

Pinagbilinan ang mga reporter na pumunta sa presscon nina David Cook at David Archuleta na huwag magtanong kay David Cook tungkol sa kanyang kapatid na namatay. Kesyo sensitive ang isyu. Baka maging emotional si Cook kung mapag-uusapan ang kapatid na namatay dahil sa brain cancer.

Pero sinagot naman ni Cook ang tanong nang interbyuhin siya ni Ricky Lo para sa Startalk. Nag-thank you pa nga siya kay Papa Ricky nang makipag-condole ito sa kanya.

Sa totoo lang, wala akong makitang masama kung itanong kay David ang kanyang kapatid na natsugi. Makakatulong pa nga ‘yon para mapabilis ang recovery niya sa sobrang kalungkutan na nararamdaman.

Show comments