Lihim na pinalagan ng personal alalay (PA) ng isang sikat na dramatic actress ang umano’y polisiya ng isang TV network kaugnay ng pack-lunch sa taping.
Hindi lang naman daw umiiral ’yon sa seryeng kinabibilangan ng aktres kundi maging sa lahat ng mga palabas ng istasyon, pero reklamo ng PA: “Bakit dalawang pack-lunch lang entitled ang bawat artista, isa para sa kanya at isa para sa alalay niya? Paano na yung driver ng artista?”
Himutok pa ng PA ng aktres: Bakit nung nasa kabilang istasyon kami, pati driver eh entitled sa pagkain?”
Pero nasolusyunan naman daw ang limitadong pack-lunch sa tuwing magre-report ang aktres sa set. Dahil diet-conscious siya ay may baon na siyang ibang pagkain at ang dalawang pack-lunch ay nakalaan para sa kanyang PA at driver.
* * *
Proof that TV5’s Talentadong Pinoy has become a popular, widely viewed program ay ang inspirasyong hatid nito partikular na sa barangay na aking nasasakupan sa Pasay City.
Ngayong araw ang piyesta sa aming lugar in honor of Our Lady of Fatima. At bilang nagdiriwang ng kanyang ika-57 na anibersaryo, isa sa mga patimpalak ay hango sa konsepto ng program hosted by Ryan Agoncillo.
Aired every Saturday, may wide following na ang Talentadong Pinoy. To say the least, inilalampaso nito sa ratings ang mga kasabay nitong show. Naniniwala ang TV5 sa husay at talento ng Pinoy which is proudly world-class.
* * *
Ibang epekto kay Sunshine Dizon mayroon ang kawalan ng lovelife: Ang sinasadyang pagpapapayat.
Kapansin-pansin these days ang whistlebait figure ng aktres, thanks to her strict diet regimen na may isang buwan na raw siyang walang intake ng kanin. Dedma rin daw siya sa pag-atake ng kanyang hunger pangs.
But Shine owes it more to her single, uncommitted status. Aniya, her figure would have been horribly different it she were in love.
“Di ba, usually sa mga babae, nagpapa-sexy ’pag may boyfriend? It’s the exact opposite in my case, kasi ’pag may boyfriend ako, hay naku, wala akong pakialaman! Kain ako nang kain, ’itsurang tumaba ako. Ang katwiran ko, secure na ako whatever I look,” sey ni Shine who brightens up your every morning in Unang Hirit.
* * *
Early ’80s ko pa nakilala si Allan K, he was just a struggling sing-along master at a bar at the back of PCU, Minus One ang pangalan ng establishment na ’yon owned by a female homosexual couple.
Years later, nabalitaan ko na naging matagumpay na entertainer sa Japan si Allan K, until he finally got his break in showbiz. Kasabay nito ang pagkakaroon ng kanyang sariling sing-along bar.
But what’s this I heard na masama ang loob sa kanya ng pinagbentahan niyang bar, a certain Eddie Ong, only to put up another bar right across sa dati niyang puwesto? Allan K and I go a long way, I can’t imagine his shady business deals.