Anak ni Lea may star potential

MANILA, Philippines - May star potential ba ang inyong anak?

Kung gayon, alamin kung paano huhubugin ang kanyang talento sa tulong mismo ng international celebrity na si Lea Salonga ngayong Sabado (May 16) sa Wonder Mom.

Ibabahagi ni Lea kay Karen Davila kung paano niya pinapalaki ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Nicole Beverly na sa murang edad ay nakakakitaan na ng potensyal sa pag-awit.

Alamin din sa Sabado ang kabutihang dulot ng family planning mula sa karanasan ni Mommy Linzi. Ikukuwento ng seksing mommy kung paano ito nakatulong sa kanya na matutukan ang pagpapalaki sa mga anak na hindi na niya kinailangan pang kumuha ng yaya.

Samantala, magbibigay naman si Karen ng tips kung paano kakaharapin ang iba’t ibang stages ng pagiging isang babae. Matutong alagaan ang inyong balat at pangangatawan ng sa gayo’y magaan mong pagdaanan ang mga pagbabagong ito.

 Huwag palalampasin ang Wonder Mom, kasama si Karen Davila, 9:45 AM sa ABS-CBN.

Show comments