Ipinarating namin kay Manny Pacquiao ang suggestion ng ilang Pinoy na para wala ng controversy sa susunod niyang laban sa pagkanta ng National Anthem, si Nora Aunor na ang kunin niya na tested na sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Hindi lang kami sure kung kukunin nga ang superstar ni Manny sa sagot nitong, “Walang problema.”
Alam ni Manny na marami ang hindi pabor na pumasok siya sa pulitika at ayaw din niyang guluhin ang buhay niya, pero gusto niyang makatulong sa kanyang kababayan.
“Gusto ko lang suklian ang suporta ng tao at bilang pasasalamat sa Diyos kaya gusto kong mag-serbisyo sa tao. Malaki ang maitutulong ko para makarating sa tao ang nararapat na tulong ng gobyerno na usually, hindi nakakarating sa kanila. (Ouch!).”
Worried ang promoter niyang si Bob Arum sa pagpasok niya sa pulitika, any comment?
“Siguro inisip niyang papasok ako ng politics at gagastusin ko ang pera ko. Hindi mangyayari ‘yun, saka ang pera ko, nasa asawa ko na. Pagkatapos ng fight ko, si Jinkee nakasahod agad. Naka-intrega sa kanya ang pera ko.”
Hindi against si Manny sa pagpasok ng ina sa showbiz dahil mahilig ito sa showbiz at susuportahan niya ito kung saan masaya, pero ang asawa, hanggang sa pagiging Belo endorser na lang at ‘wag na raw mag-artista. Pag-uusapan naman next week kung itutuloy ang pagsasama nila sa pelikula ni Batista produced ng Solar Films at tiniyak nitong sa GMA-7 pa rin mapapanood ang next fight niya.
Friend pa rin ni Manny si Dyan Castillejo at nag-usap sila sa phone after his bout with Ricky Hatton. “Hindi ko alam” ang sagot nito sa tanong kung bakit hindi si Dyan ang ipinadala ng ABS-CBN sa pagko-cover ng laban niya’t, ini-entertain daw niya ito.
* * *
Napuno ang Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La sa rami ng tao na dumalo sa presscon nina David Cook at David Archuleta para sa concert nila ngayong gabi sa Mall of Asia Concert Grounds. Pati hindi taga-media, dumagsa rin at si Jomari Yllana ng Fearless Promotions ang sinisisi. Ang actor-turned-concert producer daw ang nagpapasok sa maraming tao.
Nakakatuwa dahil pati father ni Archuleta ay pinagkaguluhan ng fans at nang lumabas ng function room, sunud-sunod na “Daddy” ang kanyang narinig. In fairness, in-acknowledge nito ang nagsisigawang mga bagets.
Pagod ang two Davids sa radio and TV guesting to promote their concert. After the presscon, dumeretso pa sila sa victory party na binigay ni Chavit Singson kay Manny Pacquiao sa bahay nito.
Kung si David A ay sarap na sarap sa mangga, gustong kumain sa Pinoy resto at gustong sumakay ng jeep, si David C ay gustong kumain ng balut. Parehong gulat ang dalawa sa rami ng fans nila rito na tiyak susugod mamaya sa MOA.
* * *
Magpi-premiere ang Who Wants To Be A Millionaire? sa May 23, with celebrities as guests contestants.
Pinagsama ng TV5 ang Kapamilya at Kapuso stars para mas masaya.
Two million ang jackpot prize at sabi ni Vic Sotto na host ng game show, hindi kailangang nerd, cum laude, bookworm at valedictorian para manalo. Kailangang marunong dumiskarte at mapagmasid.