^

PSN Showbiz

Dolphy gusto uling maka-trabaho ni Vic

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Concert producer na concert producer na ang dating ni Jomari Yllana sa pagdating ng mga American Idols na sina David Cook at David Archuleta na magko-concert ngayong gabi sa Mall of Asia concert grounds. Silang dalawa ni Congressman Singson na bata pa rin at mukhang kaedad lamang ni Jomari ang kanyang ka-partner sa pagpo-produce ng concert.

Sana maging success ang concert para makapagdala pang muli sila ng iba pang foreign artists dito sa atin.

Ang ganda naman ng ginawang pagsalubong ng SiS sa mga American Idols. 

Ang ganda talagang tumanggap ng mga foreign guests ang mga Pinoy, binubusog nila sa papuri. Kaya hindi nakapagtatakang kapag nakarating sa ating bansa ang isang performer ay naghahangad itong makabalik dahil bukod sa malaking magbayad ang mga Pinoy producers, maganda ring magtrato ng bisita ang Pinoy. Talagang tataba ang puso ng sinumang bisitang dumadalaw.

* * *

Sa rami ng trabahong dumarating kay Manny Pacquiao baka nga tuluyang iwan na niya ang pagboboksing at magtrabaho na lang sa gobyerno. Sayang naman yung galing niya sa boksing. Eh bukod sa mahusay siya rito eh malaki pa rin ang kinikita niya rito. Handa ba siyang isakripisyo ang lahat para sa bagong posisyon niya sa DOJ? Mahirap ang trabaho ng intelligence. Paano na ang pangarap niyang mag-congressman? Mapapagsabay-sabay ba niyang lahat ang gawaing ito?

* * *

Gusto raw uling makatrabaho ni Vic Sotto si Dolphy dahil napakahusay daw nitong tao, napaka-bait. Marami itong leksiyon na nakuha kay Dolphy nang una silang magsama. Naniniwala ito na wala nang makakapalit pa kay Dolphy bilang hari ng komedi.

Hindi iiwan ni Vic ang Eat Bulaga kahit tinanggap niya ang pagiging host ng Who Wants To Be A Millionaire? ng TV5. Once a week lamang ito (6:00 p.m.) at hindi makakaapekto sa EB dahil tanghali ito at Linggo ng gabi naman ang Ful Haus.

AMERICAN IDOLS

DAVID ARCHULETA

DAVID COOK

DOLPHY

EAT BULAGA

FUL HAUS

JOMARI YLLANA

MALL OF ASIA

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with