Rustom buburahin na rin sa dokumento, BB gandanghari gagawin nang legal

Ikinuwento sa amin ni BB Gandanghari na nag-enjoy siya sa kanyang kauna-unahang sagala nung nakaraang Sabado sa Malabon sa imbitasyon ng ama ni Angelika dela Cruz na si Ernie dela Cruz. Si BB ang ginawang Reyna Emperatriz at talagang pinagkaguluhan siya ng mga tao.

“Nakakatuwa at napaka-warm ng mga taga-Malabon,” kuwento niya.

Pasalamat si BB na siya’y nakasakay sa karosa, kung nagkataon daw ay mahihirapan siya dahil may tatlong kilometro umano ang haba ng nilakaran ng prosisyon.

Tinanong namin si BB kung nagkita na sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Robin Padilla.

“Hindi pa, pero nami-miss ko na siya,” seryoso nitong pahayag.

“Siguro hindi pa sa ngayon. Alam ko rin naman na matatanggap niya rin kung anuman ang naging desisyon ko pero hindi pa siguro sa ngayon,” aniya.

Naikuwento sa amin ni BB na nakita na niya ang kanyang ibang mga kapatid ganundin ang kanyang inang si Mommy Eva at wala naman umanong naging violent reaction ang mga ito kaya nagpapasalamat siya. Aminado rin umano si Mommy Eva na siya (BB) ang kamukha niya nung kanyang kabataan.

Kung ang ibang tao ay naging mapag-husga sa kanyang naging desisyon, unti-unti naman daw itong natatanggap kung ano man siya ngayon. Walang pinagsisisihan si Rustom sa kanyang naging desisyon na baguhin ang kanyang pagkatao at balak na rin umano niyang palitan ang kanyang pangalan at gawing legal ang BB Gandanghari.

Sa ngayon, Rustom Padilla pa rin umano ang kanyang mga legal documents at kasama na rito ang kanyang passport. Sa kanyang recent trip sa Hong Kong ay nahirapan siya dahil iba pa ang hitsura niya sa kanyang passport at sa personal niyang ayos ngayon na isa nang babae.

Kumunsulta na rin si BB sa abogado tungkol sa plano niyang pagpapalit ng pangalan. 

* * *

a_amoyo@pimsi.net

Show comments