^

PSN Showbiz

Sarah at Mark matagal magkakasama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Matagal na magkakasama sina Mark Herras at Sarah Geronimo. Si Mark ang kinuha ng Viva para maging special guest ni Sarah sa 10-city tour nito sa buong Pilipinas.

Mag-uumpisa sa Linggo ang mga city tour nina Mark at Sarah. Nagkaroon na sila ng rehearsal noong Miyerkules.

Sure ako na papatok ang Sarah-Mark team up dahil pareho silang mahal ng masa. Nakaka-relate ang fans sa kanilang mga pinagdaanan. Parehong talent search winners sina Sarah at Mark.

Pinaghirapan nila ang kung anuman ang meron sila ngayon kaya malaki ang kanilang pagpapa­halaga sa trabaho.

Kung mapapansin ninyo na inspired ngayon si Mark, alam n’yo na ang dahilan.

* * *

Excited na si Dingdong Dantes sa pagsisimula ng taping ng Stairway To Heaven. Wala pang balita kung sino ang magiging leading lady ni Dingdong pero hindi ito problema dahil maganda ang project kaya siguradong magiging hit ito, kahit sino pa ang ipareha sa kanya.

Top-rating Koreanovela drama noon ng GMA 7 ang Stairway To Heaven. Naging popular nga sa ating bansa ang bidang lalake na si Kwong Sang-Woo na nagulat pa nang magbakasyon sa Pilipinas dahil hindi niya inaasahan na sikat na sikat siya. Si Kwong ang gumanap na Cholo sa Korean version ng Stairway To Heaven.

Hindi ako magugulat kung kunan sa Korea ang mga eksena ng Pinoy version ng Stairway To Heaven para lalong mapaganda ang bagong primetime TV series ni Dingdong.

* * *

Pinagkaguluhan kahapon si David Archuleta nang umapir ito kahapon sa SIS at Eat Bulaga.

Bagets pa si David kaya mga bagets ang kanyang mga tagahanga. Pati ang mga anak nina Janice de Belen at Carmina Villarroel, nagpunta sa studio ng GMA 7 para ma-sight ng personal si David.

Kung ang bagets na David ang pinagkaguluhan kahapon, si David Cook naman ang dadayuhin ngayon sa Eat Bulaga.

Live ang guesting ni Cook sa Eat Bulaga para i-promote ang concert nila ni David A. Mas malakas ang karisma ng bagets na David dahil palagi siyang nakangiti at numero unong tsikadora.

Medyo intimidated ang fans kay David Cook dahil mukha siyang suplado at bihirang ngumiti. At least, nagpakita si Cook ng professionalism. Hindi niya kinansela ang kanyang mga show itsurang nagluluksa siya dahil sa pagkamatay ng kapatid niya. The show must go on.

* * *

Hindi nakuha ni Cloie ang amo ng mukha ng kanyang tatay na si Gabby Concepcion. Nakuha ni Cloie ang tapang ng mata ng kanyang madir na si Jenny Syquia.

One-year old pa lang si Cloie nang huli kong makita. Ngayon, dalagang-dalaga na siya. Ganyan kabilis ang takbo ng panahon. Malingat ka lang, marami na ang nangyari at nagbago sa paligid.

Hindi na natuloy ang plano ni Jenny na magbakasyon sa Pilipinas. Maraming pagkakataon na puwede siyang bumalik sa Maynila pero mas pinili niya na magliwaliw sa ibang bansa. Ang ibig sabihin, hindi siya masyadong interesado na balikan ang lugar na nagbigay sa kanya ng maraming alaala.

In fairness to Jenny, ipinaabot nito ang pakikiramay nang malaman niya na namatay noong nakaraang taon ang kanyang ex-father in law.

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

CLOIE

DAVID

DAVID A

DAVID ARCHULETA

DAVID COOK

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

PILIPINAS

STAIRWAY TO HEAVEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with