Concert at comedy para sa may Big C

MANILA, Philippines - Bukas, Biyernes na sa Metro Concert Bar sa West Avenue (9:00 p.m) ang pinakaaabangang back-to-back concert nina Erik Santos at Sheryn Regis entitled Big C...As in Concert At Comedy kung saan kasama rin sina Frenchie Dy at Vice Ganda para maghatid ng lafftrip. With matching Mr. Fu to host the show.

Ang naturang concert ay para rin sa may mga Big C as in ‘cancer sa breast’ na sinusuportahan ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc. at ng PCSO at Pagcor.

Parang concert sa Big Dome ang magaganap dahil kumpleto sa back-up singers at banda ang biritan nina Sheryn at Erik. Kaya nagpapasalamat din ang Kasuso Foundation sa Kopi Roti, Baang Coffee, Gluta-MS, Powertrim L-Carnitine at Sen. Miguel Zubiri sa pagsuporta sa advocacy ng foundation.

Ang proceeds ay mapupunta sa pagpapa-chemotherapy ng mga indigent breast cancer patients na walang kapasidad na ipa-chemo ang sarili, kaya ‘yung P500 worth of ticket na bibilhin n’yo ay makakadugtong na sa buhay ng ating mga kababayan.

For more details, please call 0922-8398878.

Show comments