Ipinarating kay Regine Velasquez sa presscon ng Are You The Next Big Star? na kilala siya ni David Archuleta at fan niya ito. Flattered si Songbird at nagugulat kung paano siya nakilala ni Archuleta. Kaya nga, sana magkita ang dalawa para matanong ng personal ni Regine si Archuleta kung paano siya nakilala at paano siya narinig kumanta. Guest mamaya sa Sis si Archuleta at maganda kung may guest appearance si Regine.
Natuwa rin si Regine sa ibinalita sa kanyang mabenta ang album niyang Low Key na released sa Indonesia. ‘Regine Velasquez from the Philippines’ ang introduction ‘pag pini-play sa radio ang songs from her album.
Samantala, sa Saturday na ang pilot ng Are You The Next Big Star? na hahanap ng total performer sa 150 contenders na nakapasok. Iti-trim sila sa 40 (20 boys and 20 girls), bababa sa circle of 16, pipili ng six finalists at sa kanila manggagaling ang two winners. Si Keempee de Leon ang co-host ni Regine sa talent search.
Sa May 24, naman ang airing ng post birthday special niyang Roots to Riches na isang miscal biography at sa direction ni Louie Ignacio.
* * *
Agree kami sa Viva Records na next big star bet for stardom nila si Simon Wood, after Sarah Geronimo. Malaki ang potential ng anak ni Victor Wood na sumikat dahil mahusay kumanta, puno ng emotion at soul ‘pag ito’y kumanta.
Kita ang pagka-rocker ni Simon sa ginawang areglo sa mga kantang kasama sa self-titled at 12-track album niya. Mas maganda nga kung habang nagpi-perform siya ay sasabayan niya ng tugtog ng gitara para mas malakas ang impact sa tao.
Ang Luluha Ka Rin ang carrier single ng album na original ni Victor at Malupit Na Pag-ibig ang dating title.
Musical influences ni Simon sina Freddie Aguilar, Bread, Eagles at U2. Sobrang tuwa nito sa posibilidad na pagdating ng Irish band sa bansa. Napasigaw ito ng “Rock n Roll,” sabay taas ng dalawang kamay at kahit P20,000 ang tiket, pipilitin niyang manood.
Sa ASAP ilo-launch ang album ni Simon at kasama siya sa The Next One Philippine Tour ni Sarah Geronimo.
* * *
Pakinggan kaya ni Manny Pacquiao at i-consider ang suggestion na the next time may laban siya, si Nora Aunor ang kunin para kumanta ng Lupang Hinirang? Tiyak daw na perfect ang pagkakanta ni Guy dahil tested na ang galing nito sa pagkanta ng Pambansang Awit.
Bakit nga ba walang nakakaisip na kunin si Guy na kumanta sa laban ni Manny? Hindi na pamamasahian si Guy dahil sa Amerika na ito nakatira. Paging Manny and Team Pacquiao.
May kinatatakutan lang ang mga nag-suggest na si Guy ang kumanta ng Lupang Hinirang, baka raw ma-late ito ng dating.
Naku, ‘wag sanang magalit sa amin ang Noranians, sa nag-text sa amin kayo magalit na fan din ni Guy.
* * *
Isa si Nikki Bacolod sa Viva Artists Agency’s talent na binigyan ng chance na mag-host ng show at sa kanya ipinagkatiwala ang pagho-host ng Daily Top 5 produced ng Viva Cinema at napapanood sa Cignal TV, 5:30 pm.
Ayon kay Nikki, very informative ang show tungkol sa entertainment. Ibinibigay nito ang top five grossing films at lahat ng may kinalaman sa showbiz. Minsan, 17 episodes ang tini-tape ni Nikki in one day, pero hindi siya napapagod dahil natututo rin siya.