Lolit aligaga sa mga regalo

Coming to Edu Manzano’s rescue will surely incur the ire of people from the academe.

Of late kaliwa’t kanan ang batikos sa TVC (television commercial) ng host-actor particular na ang pagbabaybay (spelling) ng salitang ‘remittance’ in promoting the company services. I will not contest most quarters in saying that the TVC in question is anti-education, na sa halip na turuan ang mga bata ng wastong spelling ay ginagawa nitong bobo ang mga ito.

But talk about another TVC, isang panlabang pulbos na umeere rin kung saan ipinagbabanduhan na ang ‘isa ay higit sa dalawa.’ Sa subject na arithmetic in grade school ay itinuturo na ang ‘’greater than’ at ‘less than,’ so kung matematika ang pagbabasehan ay hindi rin tamang ituro sa mga bata that one is greater than two just because of the benefits of the product being advertised.

I sincerely think na ikinunsidera ng ahensiya, copy writer at maging ni Edu ang ‘educational implications’ ng kanyang TVC.

Lalayo pa tayo, eh, sa text messaging nga, may puwang ba ang tamang spelling gayong mga bata rin naman ang gumagamit nito?

* * *

Ika-pitong daang episode na ng Startalk ngayong Sabado, or equivalent to nearly 14 years or not just airing, but also consistently doing well in the ratings game.

Pero hindi lang ito ang catch : This May 16 ay birthday episode ni Lolit Solis, the only surviving co-host who started it all, four days bago ang kanyang 63rd birthday.

As in every year, isang bagay lang ang aligagang tinututukan ni ’Nay Lolit Solis : Ang mga magpapadala ng mga regalo’t pagkain that include anywhere from multi-layered cakes (na visually delightful lang pero hindi mo naman makain) to catered food (that will make her blood pressure shoot up dahil sa kanyang katakawan).

Food is ’Nay Lolit’s insatiable passion, pero ano nga ba ang mga paborito niyang lantakan? A consistent food giver, pasok sa banga (at sa bunganga) ang mga lutuing may gata para kay ’Nay Lolit: ginataang santol, puso ng saging, laing, Bicol express, biko o kakanin, and make it really hot and spicy.

So, is it a telling sign na biologically hot din siya? ‘‘Nakooo, maaga akong nawalan ng libido (read: libog), ’no! Mga 40 plus pa lang yata ako nu’n. Basta ang hilig ko na lang ngayon eh lumafang nang lumafang, itsurang masuka-suka na ako!’’ sey niya.

With at least more than half a dozen assorted medicines as maintenance everyday: “Day, naka-ready na ’yang mga gamot ko. Pag nahilu-hilo na ako dahil sa katakawan ko, ’yun na. stop na. Pag wa na ako napi-feel, eat uli ako!’’ Sa puntong ito, may seryosong pag-amin ang Startalk host: “Di ba, mahirap lang naman kami noon? Siyempre, hindi ko nae-enjoy ang mga masasarap na pagkain. Eh, nakalakihan ko na ’yung isdang ayungin. Pero nu’ng nasa showbiz na ’ko at gumaganda ang career ko, sey ko talaga sa sarili ko, ’yung mga pangmayamang pagkain, kakainin ko!’’ sey ng birthday girl.

Show comments