MANILA, Philippines – Ang PLDT Smart Foundation (PSF) at Cinemabuhay ay pormal nang inanunsyo ang lima na napiling kalahok sa 2009 Cinemabuhay Awards na maaaring manalo ng P1 million.
Ang mga entries na Daplis ni Richard Legaspi, Sagrado Profano ni Alvin Yapan, Slinky ni Ryan Nikolai Dino, Slow Fade ni Rommel Sales, at The Next President: Ang Lupet ni Audie Gonzales ang pasok na five finalists. Ang PSF ay taunang nagbibigay ng isang milyong piso para sa istorya ng isang bagong filmmaker.
“Meron kaming espesyal na set of entries this year. Kung pwede nga lang ay piliin na namin silang lahat,” sabi ni Albert Martinez, PSF executive director for film.
Pangarap naman ni Butch Miely, PSF president, na mas maraming Pilipino ang gumawa pa ng mga makabuluhang pelikula na nagsasabi ng ating mga kwento sa buhay na ilalahad sa buong mundo.
Ang mga naunang nagsipagwagi ay Numbalikdiwa (2007) na sinulat at idinirihe ni Bobby Bonifacio at Cul de Sac (2008) na ayon sa istorya at direksiyon ni Juan Miguel Sevilla. Matatandaang mga kilalang aktor ang mga gumanap dito tulad nina Sam Milby, Jodi Santamaria, at Chin-Chin Gutierrez.