Jennylyn nandamay ng ibang tao
Nag-taping noong Lunes ng Paano Ba ang Mangarap? si Jennylyn Mercado. Sa tanong ng mga kasama sa soap ng GMA 7 kung bakit hindi niya sinipot ang Startalk at mini-presscon for her birthday concert last Saturday at ang SOP noong Sunday, “miscommunication” at “misunderstanding with her manager (Becky Aguila)” ang isinagot ni Jennylyn.
May kumalat ding text na habang “nawawala” si Jennylyn, nasa bahay lang ito, ’di lang sinasagot ang text at tawag ng kanyang manager. Ka-text din siya ng isang kaibigan, Sunday evening at nasa bahay lang daw siya’t may sipon.
Okey lang namang magkatampuhan sina Jennylyn at manager niya, kaya lang may mga taong nadamay, gaya ng staff ng Startalk at SOP na nag-effort para paghandaan ang segment niya sa dalawang shows.
Si Calvin Neria, director-producer ng I Am Woman concert niya sa May 14 sa Music Museum ay na-tension dahil ’di alam kung darating siya sa rehearsal at sa gabi ng concert. Hopefully, ayos na si Jennylyn hanggang Sabado.
* * *
Si Cary Santiago, ang Cebu-based at internationally-renowned fashion designer ang gagawa ng wedding gown ni Korina Sanchez sa kasal nila ni Sen. Mar Roxas. Siya rin ang gumawa ng gown na isinuot ni Charo Santos-Concio sa Oscars.
Sa pagre-research namin sa Internet, nalaman naming dating nagtrabaho sa couture house sa Middle East ng isang Arab royalty ang mga clients nitong si Cary. Pride siya ng Cebu at malalaking tao ang kanyang binibihisan.
* * *
Pinanood namin ang Litsonero, pangatlo sa anim na pelikula ng Sine Direk Series na ipalalabas sa May 20. Maganda ang pelikula na ginamit lang ang litson, pero umiikot sa pagmamahal sa pamilya.
Inamin ni direk Lore Reyes na napi-pressure siya at sa sobrang nerbyos, nasa lalamunan na niya ang kanyang yag—s.
Ang Fuschia ay showing sa probinsya at extended ang showing sa Manila. Ang Ded na si Lolo naman ay nadagdagan ang sinehan, kaya showing na rin ito sa SM Centerpoint at Robinsons Ermita. Inilipat din ito sa bigger theater sa SM North EDSA sa rami nang nanonood.
Ang Litsonero ang unang natapos sa six movies ng Sine Direk at nagbinyag sa series at una ring nagkaproblema. Kuwento ni direk Lore, dapat sa Paris ang location nila at makikipag-ex-deal na sana sila sa Lufthansa, pero kung kailan magpapadala na sila ng letter, saka nag-pull out dito ang airlines.
Ang ending, sa Macau sila natuloy mag-shooting.
* * *
Sa second Wednesday ng Mommy Diary, si Jaya ang guest ni Suzi Entrata at topic ang Baby Bathtime. Kahit busy, si Jaya pala ang nagpapaligo sa kanyang anak at gagawin uli niya ito sa baby na isisilang. Malalaman kung ano ang teknik ng singer sa pagpapaligo sa baby.
Ang Mommy Diary ay napapanood sa GMA 7, bago ang SiS at sa Q-11, bago ang American Idol.
* * *
Nasa bansa na sina David Cook at David Archuleta para sa May 16 concert nila sa Mall of Asia (MOA) concert grounds. May meet-and-greet pa nga si Archuleta mamayang 5 p.m. sa MOA at bukas, Thursday, guest siya sa SiS at kasama sina Kyla, Harry Santos at ang La Diva.
Si David Cook ay sa Eat…Bulaga guest, pero ’di pa sinasabi kung kailan. Kung walang bulilyaso, makikita namin nang malapitan mamaya ang two Davids.
- Latest