Sa pang-apat na workshop, magaling na aktres imbyerna na sa soap opera!

Subject: Iritadang award-winning actress.

Girl: Retokada?

Guy: Gagah, iritada!

Girl: Ah, okay, I’m sorry… why is she naman irritated, with what, with whom?

Ang tsika, in preparation for a soap opera na ga­ga­win niya ay kinailangan niyang mag-undergo ng workshop, as in bonding and acting workshop ’yon with her co-stars.

Girl: So what’s the problem? Hindi ba’t ganyan na naman ang kalakaran ngayon, as in every actor should go workshopping and not just go shopping to buy clothes? Big deal ba ’yon?

Big deal nga. Dahil nakatatlo na raw kasing work­shop ang lola mo to think na umani na nga siya noon ng mga awards sa isa niyang movie, ’no! Ang siste, pumalag na raw ang aktres nung tawagan siya para sa pang-apat na workshop.

Girl: Eh, para saan daw ba ang pang-apat na workshop?

Ang role kasi ng lola mo, eh, manananggol.

Girl: Dyusko, wino-workshop pa ang papel bilang manananggal?

Gagah, manananggol as in abogado! Katwiran ng lola mong multi-awarded, nagampanan na raw niya sa pelikula ang role bilang lawyer, kaya kailangan pa raw ba iyon?

Girl: Hmm, kung sabagay versatile naman talaga ang aktres na tinutukoy mo, ka-OA-an na ’yang ika-apat na workshop na ’yan to the fourth degree!

Da who ang award-winning actress na itetch na imbiyerna sa staff nang sasalihan niyang soap opera? Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Trina Lobregat.

* * *

Ambition without knowledge is like a boat on dryland, so goes a line in a movie.

Ayon kay QC Councilor Aiko Melendez, exact opposite ang katangiang tinataglay ng kanyang ex-partner na si Jomari Yllana in his pursuit of an allied showbiz career: Ang pagpo-produce ng concert. Aniya, Jom has both the vision and the know how sa bagong landas na tinatahak nito.

Pero ngiti lang ang itinugon ni Aiko nang makarating sa kanya ang sagot ni Jom kung sino sa tatlong exes nito—siya, Ara Mina at Pops Fernan­dez—ang nais balikan ng aktor. Jom chose Aiko dahil may anak daw sila, si Andrei, now 11 years old.

“Malalim naman kasi ang pinagsamahan namin ni Jom, and what’s so unbelievably special about our relationship is yung we have remained the best of friends. To top it all, we strive to be the best parents to our son,” sey ng konsehala.

Samantala, kung showbiz-wise ay out of touch si Aiko, that’s because she has her hands full with so much work to be done sa kanyang nasasakupang distrito.

“So much work, so little time pero nakakaya naman,” she says humbly of her achievements.

Show comments