Kung hindi sa Santacruzan, BB pwedeng-pwede sa gay beauty pageant kahit sa ibang bansa

May bagong isyu na sasagutin si BB Gandanghari na well-promoted ang pagiging Reyna Emperatriz sa Gay Santacruzan sa Malabon City noong isang araw.

Nag-emote ang mga opisyal ng Simbahang Katoliko dahil dumarami ang bilang ng mga vaklush na sumasali sa Santacruzan.

Hindi natutuwa ang mga church officials sa nangyayari. Dahil dapat daw igalang ng mga vaklush ang relihiyosong tradisyon tuwing buwan ng Mayo.

Ang sey ng mga pari, nawawala na ang kabanalan ng Santacruzan dahil ginagamit ito ng mga vaklush para magpasikat at magpakita ng karangyaan.

Maapektuhan kaya si BB sa batikos ng mga pinuno ng simbahan o dedma lang siya dahil sa kanyang paniniwala eh tunay na babae siya at walang masama sa pagrampa niya sa Santacruzan ng Malabon?

* * *

Kung kailan tumanda, saka natupad ang pangarap ni BB na maging reyna ng Santacruzan. Yun nga lang, binabatikos ng simbahan ang pag-join ng mga vaklush sa religious tradition ng mga Katoliko.

Pwedeng i-divert ni BB ang kanyang atensyon. Sa ganda niya, pasok si BB sa international beauty pageant na madalas na ginaganap sa Thailand.

Marami nang baklitang Pilipino ang nag-win sa gay international beauty pageant. Why not BB? Kung may magiging problema man si BB, ito ay ang age requirement dahil past 40 na ang kanyang edad. Baka overqualified na siya.

* * *

Hindi na talaga maabot si Manny Pacquiao. Mismong si President Gloria Macapagal-Arroyo ang nagdeklara kahapon ng National Day of Celebration dahil sa tagumpay ni Manny sa laban nila ni Ricky Hatton.

Personal na ibinigay ni Mama Glo kay Manny ang kopya ng Proclamation 1764 na nagpapatunay na National Day of Celebration kahapon.

Nagpunta si Manny sa Malacañang Palace para sa courtesy call kay Mama Glo na proud na proud sa karangalan na ibinigay niya sa ating bansa.

Nakisama kahapon ang panahon dahil hindi umulan sa motorcade ni Pacquiao na nag-umpisa sa DENR office. Ka-join ni Manny sa motorcade ang kanyang itinuturing na pangalawang ama, si DENR Secretary Lito Atienza at ang anak nito na si Ali. Nagsimula ang motorcade pagkatapos ng flag-raising ceremony sa DENR.

Namigay si Manny ng mga Pacquiao T-shirts kaya lalong naaliw ang mga tao na nag-abang sa pagdaan ng kanyang motorcade.

* * *

Bukas na ang showing sa mga sinehan ng Best Friends Forever (BFF) kaya watch ninyo ang nakakaaliw na pelikula nina AiAi Delas Alas at Sharon Cuneta.

Ang BFF ang post-Mother’s Day presentation ng Star Cinema. Ang pelikula ang regalo nila para sa mga nanay, mother, mommy, mama o kung anuman ang gusto ninyong itawag sa mga tanging ina.

Sa showbiz, hindi lahat ng tinatawag na mother eh babae, kahit tanungin ninyo pa si Mother Ricky Reyes.

Show comments