Heart 'di puwede kay Dingdong

Formal nang in-announce sa S.O.P. na kay Dingdong Dantes ibinigay ang male lead sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven. Si Dingdong ang gaganap sa role ni Cholo na ginampanan ng sikat na Korean actor na si Kwon-Sang-woo.

Nababalita na ring si Jennylyn Mercado ang ipapareha kay Dingdong at gaganap sa papel ni Jodi na ginampanan ni Choi Ji-woo. Wala pang tsika kung sino ang gaganap sa role ni Eunice na mahusay na ginampanan ni Kim Tae-hee.

Marami ang may gustong kay Heart Evangelista ibigay ang role ni Jodi pero hindi yata papayag si Annabelle Rama na maka-pareha ng talent niya ang prime talent ni Perry Lansigan, manager ni Dingdong.

Wala pang ibang detalye sa Pinoy adaptation ng STH, kung sino ang director at ang bubuo ng cast. At least, may aabangan ang fans ni Dingdong at ‘di totoong pababayaan na siya ng Ch. 7 dahil heto’t isang big project ang ibibigay sa kanya.

Naalala naming bigla si Mark Anthony Fernandez nang mabalitaang kay Dingdong ibibigay ang Stairway to Heaven dahil gustung-gusto ito ni Mark at inakala pa ngang STH ang All About Eve na ginagawa niya ngayon.

* * *

Hindi dumating si Jennylyn Mercado sa last presscon niya para sa kanyang I Am Woman birthday concert sa Music Museum sa May 14. Sa Max’s Resto ginawa ang presscon last Saturday at talagang hindi siya nagparamdam hanggang mag-uwian na lang ang press.

Guest din dapat si Jennylyn sa Startalk last Saturday din, pero hindi rin ito sumipot at hindi sumasagot sa tawag sa phone, kaya ang manager nitong si Becky Aguila at ang director ng concert na si Calvin Neria na lang ang humarap sa press.

Pagkatapos makipag-tsikahan sa press, sinimulan na nina Becky at auntie ni Jennylyn ang paghahanap sa kanya at kailangan siyang makita dahil may birthday celebration siya sa S.O.P. kahapon at grand promo ng kanyang concert.

Hopefully, dumating si Jennylyn sa kanyang birthday concert .

* * *

Fan kami ni Paolo Santos, bumili kami ng CDs at nanonood ng concerts niya, kaya laking tuwa namin na active na uli siya sa recording at inilabas na ng Ivory Music ang bago niyang album entitled Back to Basics. Una ito sa three albums (baka madagdagan pa) sa three-year contract na pinirmahan niya sa recording company.

Ang Back to Basics album din ang signal para i-rec­laim ni Paolo ang King of Acoustic Music title. Ang Photograph ang carrier single ng album at kasama rin ang pinasikat niyang Moonlight Over Paris at marami pang ibang magagandang OPM compo­sitions.

Three years ding hindi gumawa ng album si Paolo at sa kanyang pagbabalik, pumayag ito sa suggestion ng manager niyang si Noel Ferrer na i-reinvent ang sarili. Payag na siyang i-try mag-host at mag-comedy.

Si Paolo rin ang kakanta ng theme song ng wed­ding special nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na ipalalabas sa ABS-CBN. Sinulat ni direk Joey Reyes ang kantang Kuwento Nating Dalawa na baka gamitin ding theme song ng nurserye ni Judy Ann.

* * *

Nakuwento sa amin ang reaction ng fan ni Manilyn Reynes sa column namin dito sa PSN last Saturday na akala’y ang idolo niya ang tinukoy namin sa aming blind item. Para sa ‘yo, hindi namin kailangang mag-research dahil alam namin ang aming isinusulat.

Hindi si Manilyn ang tinukoy namin sa blind item at hindi rin siya ang ipinalit sa nag-back­out na female singer kundi si Frenchie Dy. Bago ka magalit, mag-research ka! 

Show comments