Jennylyn ugali nang 'di sumagot ng telepono

Inindiyan ni Jennylyn Mercado ang live guesting niya sa Startalk noong Sabado. Worried ang kanyang kampo dahil hindi siya mahagilap.

Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag sa kanyang cellphone. Hindi rin sinipot ni Jennylyn salang presscon ng kanyang concert.

May-I-swear ang kampo ni Jennylyn na hindi gimik ang kanyang disappearing act. Alalang-alala raw sila dahil naging ugali ni Jennylyn na ‘di sagutin ang lahat ng tawag sa cellphone at mga text message sa kanya.

Nasaan si Jennylyn? Ma at pa! Wait and see na lang tayo sa mga susunod na pangyayari. Baka nag-hibernate lang siya para makapahinga sa mga intriga at kontrobersiya sa showbiz.

* * *

Kung kailan inaayos ni Katrina Halili ang kanyang buhay, saka biglang kumalat sa Internet ang video nila ni Hayden Kho.

Hindi na talaga tinatantanan ng intriga si Katrina. Kahit alisin sa Youtube ang video ng ‘rehearsal’ nila ni Hayden, nakopya na ito ng ibang tao.

Ang tanong, sino ang source ng video na nag-leak? Kilala kaya siya o sila ni Hayden? Sila kaya ang friends na sinasabi ni Hayden na nagalit sa kanya?

Malabo na nating malaman ang reaksiyon ni Hayden dahil nag-goodbye na siya sa showbiz. Tumatanggi na siyang magpainterbyu dahil mas gusto na niya ng tahimik na buhay. Tanging siya lang ang makakapagsabi kung type pa niyang ipagpatuloy ang kanyang na-abort na showbiz career.

* * *

Malinaw ang video na kumalat sa Internet kaya hindi ito fake. May mga naloka sa eksena nina Katrina at Hayden pero type nila ang pagsasayaw ng una.

Malambot raw pala ang katawan ni Katrina at seksing-seksi siya sa kanyang suot na bra at panty.

Hunk naman ang drama ni Hayden na underwear lamang ang suot at sinabayan ang galing ni Katrina sa paggiling. Kuha ang video habang nagre-rehearse ang dalawa sa pag-awit ng Careless Whisper na kinanta ni Hayden sa Celebrity Duets noong 2007.

Hindi naman idinenay ng dalawa na nagkaroon sila ng love affair. Nagsisi pa nga si Katrina sa pagpatol niya kay Hayden debah?

Show comments