PhilHealth at Gawad Kalinga, Lumagda ng Kasunduan

MANILA, Philippines – Nilagdaan kamakailan ang isang Memo-randum of Agreement sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ng Gawad Kalinga Community Development Foundation para sa isang malawakang pag-pa-patala ng mga kwalipi-kadong Gawad Kalinga be-neficiaries sa Sponsored Program ng PhilHealth.

Layunin ng nasabing kasunduan na mabig-yan ng PhilHealth coverage ang mga mahihirap na pamilya sa ilalim ng programang “Building Healthy Nation” ng Gawad Kalinga. Ang mga nakatakdang magkamit ng health insurance ay mga beneficiaries sa mga GK sites mula sa iba’t-ibang local government units sa bansa. Tinatayang aabot sa limang milyong mahihirap na pamilya ang makikinabang sa nasabing proyekto hanggang taong 2024.

Ang lagdaan ng kasunduan ay pinangunahan nina Dr. Rey B. Aquino, Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth kasama sina Ernesto V. Beltran, Senior Vice Pre-sident for Operations; Atty. Angelito G. Grande, Vice President for Member Man-age-ment, at Walter R. Bacareza, Senior Manager ng Marketing and Collection Department.

Dumalo naman sa panig ng GK sina Dr. Ellen Solis, Tagapangulo ng Gawad Kalusugan; Patricia Tagulinao, Partners’ Coordinator; at Alkalde Sonia Lorenzo ng San Isidro, Nueva Ecija at dating alkalde ng Cabiao, Nueva Ecija Baby Congco na pawang mga nangungunang GK champions sa bansa.

Sa kanyang pahayag ay binigyang diin ni Aquino ang kahalagahan ng partnership na ito sa pagitan ng PhilHealth at GK. Ayon sa kaniya, “malaki ang maitutulong natin sa ating mga kababayan na nangangailangan ng pagpapagamot sa oras na sila ay maospital.” Idinagdag naman ni Solis na “nakita namin (na) ang pakikipag-partner sa isang government institution gaya ng PhilHealth...ay makatutulong talaga sa kalusugan ng populasyon.”

Ang Gawad Kalinga ay isang pribadong foundation na kilala sa paglinang ng mga mahihirap na pamayanan sa layuning maingat ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Isinasakatuparan ito ng GK sa pamamagitan ng mga programa nito sa pabahay, kalusugan, edukasyon at pangkabuhayan.


Show comments