Nakulong na member ng Kamikazee nagsalita na!

Matapos masangkot sa isang kaguluhan sa Dubai, magsasalita na ang Kamikazee tungkol sa insidente at kung anong tunay na nangyari sa pagkakakulong ni Led Tuyay dahil sa pagdadala ng marijuana.

“Hindi namin alam kung ano’ng mangyayari sa kanya roon,” kuwento ng bokalistang si Jay Contreras. “Kabado lang kami buong time.”

Sa isang interview, isasaad ni Led kung ano ang na-experience niya sa loob ng detention, kung ano ang naramdaman niya nang hindi nakapag-celebrate ng Pasko at New Year, birthday ng tatay niya at kasal ni Jay, at kung paano naayos ang lahat. Sasagutin din niya kung ano ba talaga ang nasa loob ng kanyang bag.

Alamin ang mga detalye at bumili na ng MYX Mag April-May 2009 double cover issue kasama sina Sarah Geronimo at Bamboo.

* * *

Mas malaking datung na ang ipamimigay sa game show ng GMA 7 na Power of 10 hosted by Janno Gibbs.

May dalawang rounds ang Power of 10 at ang limang tanong sa bawat round ay base sa general information, pop culture, showbiz, current events at iba pa.

Linggu-linggo, dalawang Power Players ang maghaharap para hulaan kung ano ang resulta ng survey questions sa elimination round. Ang kalahok na unang makakapuntos ng tatlong beses ang mananalo sa round na ito at susubok para masungkit ang P10 milyon.

Sa jackpot round ay mayroon limang tanong na may kaukulang premyo. Ang unang tanong ay magsisimula sa halagang isang libong piso (P1, 000) samantalang ang mga susunod na katanungan ay magkakahalaga ng cash prize na sampung beses ang taas kaysa sa huling premyo. Kaya ang premyong isang libong piso (P1,000) sa unang tanong ay magiging sampung libo (P10,000) sa pangalawang tanong, magiging isandaang libong piso (P100,000) sa ikatlong tanong, papanhik ng P1 milyon sa ika-apat na tanong at tataas ng P10 milyon sa ikalima at huling katanungan.

Ang Power of 10 na likha ng 2waytraffic of Sony Entertainment Company ay unang sumikat sa Amerika at ngayon ay mayroong mahigit 25 international bersyon sa buong mundo tulad sa Venezuela, Armenia, Bulgaria, Chile, Denmark, Finland, Greece, Argentina, India, Israel, Mexico, Middle East, Norway, Colombia, Poland, South Africa, Sweden, Ukraine, Brazil, Vietnam at ngayon sa Pilipinas.

Kayanin kaya ng powers ng Pinoy ang pinakabagong game show na may pinakamalaking papremyo? Samahan si Janno Gibbs sa Power of 10 simula ngayong Linggo, Mayo 10 pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA 7.

* * *

Pinuno ng mga locals at bakasyonista ang beachfront ng Paraw, Obama Grill and Ariel’s House sa isang hit-wave na dala ng MXY Channel.

Isang magdamagang party ang naganap kung saan nakisaya ang mga sikat na banda ng kani-kanilang hits na nagpasaya sa Summer MYXfest 2009.

 Pinasimulan ng 6Cyclemind ang party sa kanilang awiting Sandalan, Pare Ko, Kaleidoscope World at iba pa. Pinakilig naman ni Julianne ang mga tao sa kanyang malambing na boses nang kantahin niya ang Waiting In Vain. Kinanta niya rin ang sikat niyang awitin na Tulak ng Bibig.

Samantala, nakirakrakan naman ang mga tao sa Imago sa kanilang awiting Sundo, Bawi, Hym at Yahoo. Binuhay pa lalo ng Pedicab ang mga tao sa mga sikat nilang awiting FX, Simulan Mo Na habang si Rico Blanco naman ay kumanta ng Your Universe, Awit ng Kabataan, Umaaraw Umuulan, Bye Bye Na at marami pang iba. Pinainit pa ng Chicosci ang entablado sa kanilang awiting Vampire Social Club, Diamond Shot Gun at 7 Black Roses at habang ang Sandwich naman ay kinanta ang Selos, Laklak at Betamax

Dumating ng maaga ang celebrity MYX VJ na si Luis Manzano para i-celebrate ang kanyang birthday sa Boracay na sinamahan ng ilan pang MYX VJs na sina Iya Villania, Nikki Gil, Andre Felix, Robi   Domingo, Monica Yncierto, Chino Lui Pio at Bianca Roque na pinanatiling mainit ang gabi!

Show comments