Ara pinag-papraktisan ang Chinese BF sa lovescene nila ni Aljur

Pati pala tatay ni Aljur Abrenica ay inggit sa lovescene nila ni Ara Mina. Yup, lalo na raw pag nasa taping ang erpat niya.

Marami kasi silang kissing scenes and lovescenes ng sexy actress. Pero siyem­pre hanggang screen lang ang maiinit nilang encounter ni Ara na sa una nilang eksena ay literal na nanigas siya – ang buong katawan niya.

“Pero tinulungan ako ni Ara para ma-relax. Sinabi niya sa aking abu­suhin ko na ang pagkakataon,” natatawang kuwento ng bagets.

Pero ngayon, medyo comfortable na siya. Saka wala siyang iniisip na baka magalit ang boyfriend ni Ara na Chinese dahil minsan ay nag-uusap sila nito at ito pa ang nagkukuwento na pag may mga eksena sila ni Ara na intimate, una nitong pina-practice sa kanya (boyfriend).

“Minsan nanonood din siya ng taping,” kuwento pa ni Aljur kahapon sa presscon para sa Dapat Ka Bang Mahalin? na hataw ang rating sa afternoon slot ng GMA 7.

Pero aminado si Aljur na attracted nga siya kay Ara kahit noon pa.

Say ni Direk Maryo J. Delos Reyes, hanggang 80% ang level ng intensity ng lovescene ng dalawa na aminado si Aljur na may nararamdaman siyang something tulad ng isang ordinary guy.

“Akala lang nila, madaling gawin, pero pag nasa taping na, ang hirap. Pero ako ini-internalize ko munang maigi bago ako mag-taping,” sabi pa ng bagets na aktor.

Anyway, sinagot din ni Aljur ang issue sa isang promo girl na nagki-claim nagka­roon ng something between them. “Ang nangyari kasi noon barkada kami sa Puerto Gallera. Mainit so nagkayayaan kaming uminom ng water, ‘yung may flavor. May nagpo-promo, nanghingi kami kasama sila Moymoy. Nasarapan kami so nanghingi kami ng marami.

“Nung gabi na, nakita namin sila, gru­po rin sila, parang nagkuwentuhan lang. Ganun lang. After ng Puerto Gallera, wala nang communication.

“Ah naalala ko na. Nag-text siya sa brother ko, kinukumusta ako. ‘Yun lang. Wala na after. No big deal,” paliwanag ng young actor na mukhang limot na nga niya ang promo girl na inamin naman niyang maganda nga.

Pagdating sa loveteam nila ni Kris Bernal, exclusively dating pa rin ang description niya sa relasyon nila, pero nagsu­subuan sila habang kumakain.

Show comments