Zorro nag-iinit na naman

MANILA, Philippines - Isasagawa naman ni Cara ang pagharang sa isang caravana ng mga kalakal. Bantay nito sa paglalakbay ang mga guardia civil. Mapapasabak sa laban si Cara at bago pa siya tuluyang manganib, darating si Zorro. Ngunit matapos ang laban, saka malalaman ni Zorro na ang tunay na intensiyon ni Cara ay nakawin ang caravana at ibalik ang mga kalakal nito sa mga Indio.
Sasabihin ni Bella kay Antonio na alam niya ang lihim nito bilang Zorro. Ibibigay rin niya sa pamangkin ang isang kahong pag-aari ng yumao nitong inang si Marcela.
Magiging malaking tanong naman sa isipan ni Antonio kung tama nga ba ang ginagawang pagnanakaw ni Cara kung ito ay para rin naman sa mga Indiong pinagnakawan din naman ng gobyerno. Mapagpapasyahan niya sa huli na ibalik sa mga Indio ang nararapat sa kanila. Ikagagalit naman ni Cara ang pagpapel ni Zorro sa kanyang layunin.
Isa namang caravana ang pamumunuan ni Ramon na naglalaman ng mga pagkain at mamahaling alak para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gov. Aragon. Haharangin ito ni Zorro.

Maiinit pang eksena ang mapapanood sa Zorro sa GMA 7.

Show comments