^

PSN Showbiz

Kung sexy ka, dapat healthy ka rin

-

MANILA, Philippines – Kapag nasa showbiz ka o ibang propesyon na importante ang sex appeal ay marami kang dapat isakripisyo lalo na ang pagkahilig sa mga pagkaing nakapagpapataba.

Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa QTV-11 ay makakatsikahan ng host-producer na si Mother Ricky ang sex symbol na si Jen Rosendahl, commercial model Gino dela Peña, rapper Tugizta at fitness consultant Judy Abrina.

Ikukuwento ni Jen ang ginawa niyang non-carbo diet dahil bilang Viva Hot Babes ay kailangang lagi siyang sexy. Mahilig daw kumain si Gino pero di siya puwedeng tumaba dahil sa pagrampa at page-endorso ng mga designer clothes dapat ay dyaforms siya lagi. Di lang rap and dance ang kinakarir ni Tugizta kundi pati aktibong acrobatic stunts sa stage. At siyempre pa, malaking tulong sa gustong maging sexy pero healthy ang ibibigay na tips ni Ms. Dela Peña.

Punum-puno naman ng inspirasyon ang itatampok na drama sa show. Sa Tesda Biday gagampanan ni SOP Boys member John Callueng ang papel ng isang dating tambay sa Kalookan na si Rome Bacaran na ngayo’y may lumalagong motorcycle repair shop na. Sa WE (Women Empowerment) hosted by Mayor Marides Fernando ay isang matatag na Dra. Daisy Camitan ang isasadula ang buhay. 

Laging samahan si Mother Ricky sa kanyang programa para malaman kung ano ang latest sa fashion, hair and make up trends at iba pang interesanteng talakayan. 

DAISY CAMITAN

GINO

JEN ROSENDAHL

JOHN CALLUENG

JUDY ABRINA

MAYOR MARIDES FERNANDO

MOTHER RICKY

MS. DELA PE

RICKY REYES

ROME BACARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with