MANILA, Philippines – Ibinabalik ng GMA News and Public Affairs ang anim sa paboritong castaways ng Survivor Philippines sa pinaka-maaksyon, nakakakilig, astig, at pinakamasayang biyaheng tiyan.
Lasapin and natitirang araw ng tag-init habang dinidiskubre ng mga castaway ang mga kakaibang lasa sa kanilang mga destinasyon.
Ang inyong mga pantasya ay magkakatotoo kasama ang first Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco. Sa Norte ang kanyang biyahe para maghanap ng kanyang paboritong palamig —— ice cream! Pero ang madidiskubre niyang ice cream sa Laoag ay talaga namang pambihira! Nakarinig ka na ba ng ice cream na may gulay?
Panoorin ang Summer Sarap ngayong Linggo, pagkatapos ng Ful Haus sa GMA Network.